Tuesday , May 6 2025

Walang masama sa ‘pepe-dede ralismo video’ — Duterte

WALANG nakitang masama si Pangulong Rodrigo Duterte sa kumalat na “pepe-dede ralismo” video ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa kabila ng kaliwa’t kanang kritisismo sa mahalay na paglalako ng usapin sa publiko.

Sa press briefing sa Palasyo kahapon, ikinuwen­to ni Presidential Spokesman Harry Roque na pinanood ni Pangulong Duterte ang video sa harap nina Budget Secretary Benjamin Diokno, Executive Secretary Salva­dor Medialdea, at Finance Secretary Carlos Dominguez.

“Very cool” aniya ang Pangulo at walang ibinigay na direktiba kaugnay sa kontrobersiyal na video da­hil para sa kanya, hindi mala­king isyu ito.

Para aniya sa Pangulo, bahagi lamang it ng “free­dom of expression.”

“Actually wala naman po siyang ibinigay na instruction, at the President was very cool about it. I mean, he’s a… you know, primary—he’s a first and foremost a believer in freedom of expression. But of course he knows that charter change has to be more serious but to him it was not really a big thing ‘no,” sabi ni Roque.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …

Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist

Comelec reso ipasa pabor sa lehitimong ABP officials, katarungan sa pagpaslang kay Leninsky Bacud hiniling

SA PAGDIRIWANG ng International Firefighters Day, muling iginiit ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist …

Arrest Shabu

HIV drug pusher swak sa P.4 milyong shabu

DINAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District — Batasan Hills Police Station (QCPD-PS6) …

Jaye Lacson-Noel

Ayon sa mga survey  
JAYE LACSON-NOEL NEXT MAYOR NG MALABON

KUNG ang lahat ng ginawang surveys sa Malabon City ang magiging batayan ng paparating na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *