Thursday , May 8 2025

Panalo ni Pacquiao tagumpay ng sambayanan — Duterte

READ: Matthysse, pinaluhod sa 7th round: Pacquiao kampeon na naman

READ: Kongresista natuwa sa panalo ni Pacman

MULING pinatunayan ni Sen. Manny Pacquiao na hindi lang siya serbisyo-publiko kundi isa sa pinakamagaling na bok­singero sa kasay­sayan.

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te sa tagumpay ni Pac­quiao laban kay Argentine boxer Lucas Matthysse at muling pagkopo sa WBA welterweight title sa Kuala Lumpur, Malaysia kahapon.

Lubos aniya ang ga­lak ng buong bansa sa pagbibigay muli ng ka­rangalan ni Pacquiao sa Filipinas at pagiging simbolo ng pagkakaisa ng sambayanan.

Ang panalo aniya ni Pacquiao ay maghahatid muli sa kanya sa Hall of Fame sa larangan ng boxing.

“This win will surely cement, yet again, your position and legacy in boxing’s Hall of Fame,” sabi ng Pangulo.

Umaasa ang Pangulo na patuloy na magiging inspirasyon ng samba­yanang Filipino si Pac­quiao hindi lang sa boxing kundi maging sa public service.

Personal na pinanood ni Duterte ang laban ni Pacquiao kasama ang ilang miyembro ng ga­binete.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *