Monday , May 5 2025

Hirit ng Palasyo: 7-buwan higpit-sinturon sa TRAIN

NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na habaan ang pasensiya at magtiis sa matinding dagok sa buhay ni Juan dela Cruz sa implemen­tasyon ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa Kongreso ang bola para gumawa ng panibagong batas na sususpende sa TRAIN law.

Hindi aniya uubra ang isang executive order para ipatigil ang pag-iral ng TRAIN law .

“Nasa Kongreso po iyan. Kung talagang mag­kakaroon po ng batas, susunod po tayo na hindi natin kokolektahin iyan; pero ang pakiusap lang po, hindi naman po per­ma­nente itong nangya­yaring krisis,” aniya sa press briefing sa Palasyo kahapon.

Aminado si Roque na lubhang nakababahala ang nararanasang krisis ngayon dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

“Talaga naman pong krisis, nakaaabala ang pagtaas ng presyo, dahil mahigit 200% ang itinaas ng presyo at hindi natin iyan talaga inaasahan, dahil medyo stable na­man iyong presyo ng krudo ‘no,” dagdag ni Roque.

Para sa Department of Finance (DOF), pitong buwan pang magtitiis ang mga pangkaraniwang mamamayan sa walang habas na pagtaas ng presyo dahil ang second tranche ng TRAIN Law sa Enero 2019 ang gusto nilang ipasuspende ka­pag umabot na sa 80 dol­yar ang presyo ng langis kada bariles sa world market.

Nagdaraos ng Black Friday protest ang mga organisasyon mula sa Stop TRAIN Coalition kasabay nang paggulong ng online petition para hilingin ang pagtigil sa implementasyon ng kontrobersiyal na batas.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

About Rose Novenario

Check Also

050325 Hataw Frontpage

Suspensiyon vs Solid North Transit iniutos ng DOTr sa LTFRB

ni MICKA BAUTISTA INIUTOS ng Department of Transportation (DOTr) sa Land Transportation Franchising and Regulatory …

Pulong Duterte

Reklamo ng pick-up girl, bayad kulang  
PULONG NAMBUGBOG NG ‘BUGAW’ HAGIP SA CCTV CAMERA NG BAR

ISANG lalaking umaming ‘bugaw’ ang lumantad at nagsampa ng mabibigat na paratang laban kay Congressman …

Joey Salceda Phivolcs

Salceda: Phivolcs Modernization Act, pamumuhunang ligtas buhay, lalo na sa Albay  

Ang Phivolcs (Philippine Institute of Volcanology and Seismology) Modernization Act na nilagdaan kamakailan ni Pangulong …

3RDEY3 AI

Prediction ng AI: Abby Binay, puwedeng malaglag sa Magic 12

KUNG pagbabatayan ang pag-aanalisa ng artificial intelligence ng 3RDEY3 (@3RD_AI_) na naka-post sa X, may …

Comelec Vote Buying

2 kapitan umangal sa vote buying vs Cong sa Aklan

IBINULGAR ng dalawang barangay chairman na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *