MATAPOS ang isang pamamaril nitong nakaraang Sabado sa 999 Mall sa Divisoria lalong nagkagulo ang mga tao sa loob dahil biglang isinara ng mga nakatalagang security guards ang lahat ng lagusan (exit and entrance) sa mall.
Wattafak!?
Lalo tuloy nag-panic ang mga tao na nasa loob ng mall. Kaya hindi lang ang mga target ng pamamaril ang nasaktan kundi maging ang mga mamimili at siguro maging mga empleyado at may-ari ng mga stall sa loob ng mall.
Ito ang problema natin sa mga sekyu na nakatalaga sa mga mall, maliit o malaking mall man ‘yan, ang disposisyon ng mga guwardiya kapag nagkakagulo, agad isara ang mga daanan/lagusan ng tao.
E paano kung nakulong ‘yung mga suspek sa loob ng mall at may dalang pampasabog? Sabog lalo ang mga tao sa loob!?
E ‘di nagkaloko-loko na?!
Alam nating ang pangunahing trabaho ng mga security guards ay “to secure the premises.” Kaya agad nilang isinasara, wala silang pakialam kung magkakaroon ng casualty/casualties, ang importante secure ang buong building.
(By the way, ano ba ang parusa sa mga mall na ang security nila ay walang metal detector o bomb sniffing dog!?)
Pero hindi ba naiintindihan ng mga sekyu na habang isinisekyur nila ang premises dapat may objective din sila na ma-isolate ang mga suspek?!
Ang siste, hindi pa nila naa-isolate ang mga suspek, isasara na nila ang buong mall at wala silang pakialam kung ano ang mangyayari sa mga tao.
Hindi ba’t maraming usap-usapan na maraming namatay noong bagyong Ondoy dahil isang mall malapit sa isang creek ang hindi nagpapasok at hindi nagpalabas ng mga tao mula sa kanilang parking dahil agad isinara ang mga daanan/lagusan?
Kapag may sunog, ganito rin ang nangyayari, agad isinasara ng mga sekyu ang mga daanan/lagusan dahil natatakot sa looting pero hindi iniisip kung may lalabasan ang mga taong nakakulong sa loob.
Kung ganito ang praktis ng mga security guard sa iba’t ibang malls at iba pang establishments, ibig sabihin, iisa ang kanilang oryentasyon — unahin ang business premises kaysa mga tao na posibleng maging casualties.
Hindi na natin tatanungin kung tama ba ito kasi usual practice na ito ng mga sekyu sa iba’t ibang business establishments.
Ang tanong, hahayaan lang ba natin na laging ganyan ang nangyayari?!
Wala bang aksiyon na puwedeng gawin ang pulisya o ang mga ahensiyang may pananagutan sa ganyang attitude o oryentasyon ng mga sekyu?!
Paging PNP!
PDEA AGENTS
NA HAO SHIAO
DAPAT LANG
LINISIN
SINIBAK na si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Calabarzon Director Archie Grande at ang kanyang 61 agents. Pinalitan siya ni Director Adrian Alvariño habang 39 agents mula sa iba’t ibang PDEA offices ay pinagre-report sa Southern Tagalog regional office.
Agad ‘yang ipinag-utos ni PDEA Director General Aaron Aquino matapos mabuyangyang sa publiko ang ipinamudmod na identification card sa dalawang drug suspect na hindi naman ahente ng ahensiya.
Klarong-klaro na hao-shao agents ang mga nabigyan ng PDEA IDs na sina Jhay-ar Repana at Joseph Borjal na naaresto sa Sta. Rosa, Laguna matapos makipagbarilan sa mga Parañaque police.
Natagpuan sa kanila ang maraming sachets ng
Shabu at proof vests na may marka pa ng PDEA.
‘Yan na nga ba ang sinasabi natin.
Sa totoo lang, marami na tayong naririnig na ganyang reklamo. Hindi lang PDEA kundi maging PNP at NBI. Ang lalakas ng loob magpakilalang agents sila ng PDEA o NBI ‘yun pala Agent o-2-10!
Wattafak!?
Tama lang ang aksiyon ni PDEA chief, Sir Aaron Aquino, bawiin at busisiin ang mga civilian na nabigyan ng PDEA IDs bilang agents.
Hindi na bago ang kuwentong ginagamit nila ‘yan sa pang-aabuso.
Good job, Director General Aaron Aquino!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap