Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

171 katao hinuli sa Parañaque City (Sa anti-criminality ops)

UMABOT sa 171 katao na lumabag sa iba’t ibang ordinansa ang hinuli sa isinagawang anti-criminality operation ng mga operatiba ng Parañaque City Police sa 16 barangay sa naturang lungsod, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Parañaque City Police chief, Senior Supt. Victor Rosete, sinimulan ang operasyon dakong 12:00 am sa 16 barangay at 4:00 am ito natapos.

Karamihan sa mga hinuli ay mga nag-iinoman sa pampublikong lugar, na umabot sa 84 katao, 69 menor de edad ang lumabag sa curfew hours, at tatlo ang naglalakad sa kalsada nang walang damit pang-itaas.

Kasama rin sa mga dinampot ang siyam katao na may existing warrant of arrest, gayondin ang dalawang lalaki na hinihinalang tulak ng droga, at apat na naaktohan habang bumabatak.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …