Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Clique V, matayog ang pangarap

ISANG new generation boy band iyang Clique V. Una dahil bago talaga sila. Ikalawa may gusto silang simulang panibagong trend.

Sa panahong ito, hindi natin maikakaila na marami sa ating mga kabataan ang nahuhumaling sa mga boyband na Koreano. Mahirap labanan iyan, sinasabi ng marami. Kaya iyong mga nag-aambisyong magbuo ng boyband, ang ginagawa ay ginagaya ang style ng mga Koreano. Pero sawa na ang mga Pinoy sa gaya-gaya eh, kaya hindi na rin sila pinapansin.

Iyang mga Koreanong iyan, sumikat dahil naging stagnant ang music industry sa ating bansa. Tinalo na natin iyang mga foreign label noong dekada 70 at dekada 80, nang mauso ang OPM. Kaso may mga artist naman, at kanilang mga manager na kaanak din nila, na nagpilit na pahabain ang life span ng kanilang career. Hindi nila binibigyan ng puwang na sumikat ang mga baguhan para bigyang proteksiyon ang interests ng kanilang mga alagang artist. Ang nangyari, iyong bagong henerasyon ang naghanap ng bagong musika at ang nasumpungan nila ay ang musika ng mga Koreano. Hanggang sa dumating na nga ang panahon na naramdaman na lang nila na hindi na pala sila in demand, at ang ginawa nila ay naging counter productive sa industriya ng musika sa ating bansa.

Ngayon pumasok nga itong Clique V. Ang tunog nila ay walang dudang OPM, na gusto naman ng mga Pinoy. In fact iyong mga sikat na OPM noong araw, iyon ang inire-revive ng mga bagong recording artist ngayon. Pero hindi gumamit ng revival ang Clique V. Puro original ang kanta nila sa kanilang unang album, dahil kung sakali nga naman na mag-click iyon kagaya ng inaasahan, makikilala iyon bilang talagang mga kanta nila. Hindi iyong pinasikat na ng iba na kinanta lang nila ulit.

Matayog ang pangarap niyang Clique V, na pinaniniwalaan naman ng mga kritiko na maaabot nila. Palagay naman namin, dapat sila talagang suportahan kaysa ang namamayani ay iyong mga singer na Koreano rito sa ating bansa.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …