NAGBUKAS na ang ikatlong Chowking Branch ni Kris Aquino sa may Araneta Avenue corner Quezon Avenue kahapon ng tanghali pero hindi naging dahilan ito para magkaroon ng matinding trapik dahil mabibilis kumilos ang traffic enforcer na itinalaga ng mga opisyales ng Barangay Tatalon.
Ayon kay Kris, “In name only ako ang may-ari (Chowkingg) but in trust for Joshua Aquino and Bimby Aquino. Maraming salamat po sa inyong lahat for being here and being part of our continuing journey the Chowking.”
Iniabot na rin sa mag-iinang Kris, Joshua, at Bimby kasama ang pamangkin ng una na si Jiggy Cruz ang simbolo ng Chowking bilang franchise owner at pang 529 stores na ito sa buong Metro Manila.
Masayang ikinuwento ni Kris na gusto niya ang Chowking dahil triple ang naibabalik nitong kita taon-taon.
Kuwento ng Queen of Online World at Social Media, “this is the best bond that I invested for them; I think maybe those of you who have children and mayroon lang akong words of advice na nanggaling sa mom (ex-President Corazon Aquino), unfortunately now 35% na ang tax na binabayaran ko, tumaas ‘yung bracket at sabi ng mom ko na 35% din whatever income I make ay i-set aside for my children.
“So that 35% is actually what’s paying for this (CK), so, I want to say thank you because the Chowking endorsement, ‘am going on my 5th year. Nakatutuwa at nakaka-touch na mayroon (ganito). Parati kong sinasabi na ang mga endorsement ko, mas tumagal kaysa kasal ko (tawanan ang lahat).
“Okay na ‘yun, you can’t have it all but I’m very proud of the fact that the two boys (Joshua at Bimby) sine-set up ko sila na malaman nila the true value of working hard. That working hard it has to be and I think Father Jun knows this that I lived in this principle na it has to be a circle of prosperity. Hindi puwedeng ako lang ang yumayaman, kailangang makapagbigay din ako ng trabaho para sa marami dahil sino ba ang bibili ng produkto?
“How can you open a business without ensuring that there will be people who will have jobs and will earned from those businesses, because nobody will be able to support those businesses kung hindi mo sila bibigyan din ng iyong tiwala.
“The reason I’m right now and the reason to do this for my sons is because you trusted me and you continue to trust me and I want to say thank you to that.”
At sabay baling sa mga anak, “and you better pray both of you (Joshua at Bimby), becase your allowance will come from here (CK).
“Gusto kong matuto rin sila, Bimby is 10 and kuya is 22, but I want Bimb at this early stage of his life to realize the true value of what it means to work hard to have a business and to be responsible about your finances.”
Samantala, hindi rin nagtagal si Kris dahil pagkatapos ng Dragon dance ay umalis na rin sila dahil may Ambi Pur Air Freshness shoot pa siya sa Makati.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan