Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P11-M shabu kompiskado sa Aussie (Sa Cebu)

CEBU CITY – Inaresto ang isang babaeng Australian national makaraang makompiskahan ng P11 milyon halaga ng hinihinalang shabu, sa lungsod na ito nitong Sabado.

Sa ulat, dumating sa Cebu mula sa Australia ang suspek na si Dorotea Moyes, 61, nitong Miyer­koles upang makipagkita sa dayuhang nobyo na nakilala niya sa internet, ayon sa pulisya.

Ngunit hindi umano tumuloy sa Cebu ang nobyo ni Moyes dahil may importanteng lakad. Nakiusap umano sa Australiana na dalhin sa Osaka, Japan ang isang bag na naglalaman ng laptop ng kanyang amo.

Nitong Sabado, kinuha ni Moyes ang bag mula sa dalawang lalaki na nagbigay rin sa kaniya ng $100 pocket money.

Ngunit naghinala si Moyes nang makasakay sa taxi kaya binuksan niya ang bag. Nakita niya roon ang isang sirang laptop at nakasuksok ang isang package na nakabalot ng packing tape.

Nang makarating sa hotel, humingi ng tulong si Moyes sa security at management. Sa tulong ng canine units, nakompirma nila na may mahigit isang kilo ng droga sa bag. Hinihinala ng mga awtoridad na ginamit ng isang international syndicate si Moyes bilang drug courier.

Ngunit kahit iginiit ng suspek na inosente siya, mahaharap pa rin siya sa kasong kriminal dahil sa kaniya nakuha ang droga, sabi ni Inspector Greg Ybiernas.

 

 

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …