Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, nagmura raw sa EB?

NAGMURA si Alden Richards sa isang episode ng Eat Bulaga kamakailan. Ito ay ayon sa isang ulat ng Internet website na Lionheartv na lumabas noong January 19. [Para sa mga netizen, heto ang link sa report na iyon: http://www.lionheartv.net/2018 /01/alden-richards-putangina/]

Ang titulo ng report ay: ALDEN RICHARDS FORGETS HIS MIKE TURNED ON; CURSES ON NATIONAL TELEVISION.

Ayon sa report, isang nagngangalang Alvin Velasco ang nag-upload sa Twitter ng video ng segment ni Ryzza Mae Dizon sa Eat Bulaga. Ang nakaharap sa kamera ay ang bata. Gayunman, sa isang punto ng video, may biglang maririnig na lalaking biglang nagsabi na: ”Wala kang kuwentang assistant. Kinangina ka.”

Ang caption umano ng Twitter upload ni Velasco ay: ”Eh nag mura  Alden on national tv.”

Ayon sa Lionheartv report, si Alden daw ‘yon. Isinali rin sa ulat ang umano’y isa pang sitwasyon na nagsalita si Alden ng ‘di-maganda. Banggit sa report: ”Just last week, an audio caught Alden  saying ‘Gaga, narinig ka!’ went viral.”

Pagtatapos ng report na ‘yon: ”The said video also fueled past speculations that Alden has always been a “potty-mouth” or used to cursing. Many, then, frowned upon the said video since children usually watch the said noontime show on national television.”

At the 0:12 mark of the video, Alden can be heard saying, ”Wala kang kwentang assistant. Kinangina ka!”

The capt on Alvin’s tweet also read: ”Eh nag mura  Alden on national tv.

“Ang hirap kasi sa idol mo iba yung image na pinapakita nya on-cam at sa soc med. Bible verses dito, tadtad ng santo ang kuarto, tapos magugulat ka nagmumura naman pala pero kung umasta akala mo banal. Siempre gulat kaming lahat as it opposed to what he projects on TV. #BanalNaAso”

Habang isinusulat namin ang report na ito, wala kaming na-monitor na sagot ni Alden sa Lionheartv report. Wala ring sagot ang GMA Network na siya mismong nagma-manage sa career ni Alden.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …