Saturday , December 21 2024

Martial law todo-puwersa vs NPA — Palasyo

GAGAMITIN nang todo ang bisa ng martial law laban sa New People’s Army (NPA), ayon sa Palasyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing sa Palasyo kahapon, ang rebelyon na isinusulong ng NPA ay isang “continuing crime” kaya itatapat sa rebeldeng grupo ang batas militar.

“For as long there are acts of rebellion committed in the island province of Mindanao, yes, he will use the full force of martial law against [the] NPA as well. So for as long as they are not laying down their crowns, they are committing a criminal act,” ani Roque.

Noong nakalipas na linggo ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation 374, na nagdeklara sa Communist Party of the Philippines (CPP) at NPA bilang terrorist groups.

Bilang martial law administrator, may kapangyarihan aniya si Defense Secretary Delfin Lorenzana na iutos ang pagdakip sa sino man at bunsod ng suspensiyon ng pribilehiyo sa writ of habeas corpus, kailangang hintayin ng sino mang arestado na ipawalang-bisa ang batas militar bago makahingi ng saklolo sa hukuman.

Giit ni Roque, pinaiigting ng NPA ang kanilang pag-atake sa iba’t ibang parte ng Mindanao kaya puntirya sila sa pagpapalawig sa batas militar hanggang 31 Disyembre 2018.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *