Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aga, angel ang tingin sa asawang si Charlene

INAMIN ni Aga Muhlach na hindi pa sila nag-aaway ng kanyang dating beauty queen wife na si Charlene Gonzales kaya naman sobrang ipinagmamalaki nitong sabihin na ang kanyang asawa ang bumubuo sa kanyang pagkatao.
“My wife makes it work. Para siyang anghel na ipinadala sa akin. Nakita ko talaga ‘yun, before I proposed to her. Kaya walang ligawan talaga, kasalan agad!”pagmamalaki ng aktor.  
Naganap ang pagtatapat na ito ni Aga sa Tonight With Boy Abunda na  Sa tanong ni Boy kung anong mas gusto ni Aga— sex o chocolate, isinagot nitong, ”Sex, aanhin ko ang chocolate eh, nakakataba pa yan! Payat ko nga ngayon,”  bulalas nito.   
Inamin pa ni Aga na araw-araw silang nag-uusap ni Charlene mula sa kanilang paggising at pagkakape ng kung ano-anong bagay lamang.
Aniya, ”We just talk, talk, talk. Coffee, coffee then, let’s just go to the gym.”
At hindi roon nagtatapos ang kanilang usapan dahil pagdating ng kanilang mga anak mula sa school ay tuloy pa rin. Nanonood sila ng TV, kumakain at pagkatapos, nag-uusap pa rin sila.    
Sa puntong iyon, biglang ipinasok ni Boy ang kanyang ‘sex or chocolate’ na tanong na ikinatameme ng aktor. Namula ito at hindi agad nakasagot at ang ending, hindi sinagot ang tanong hanggang natapos ang show pero may pahabol ang host, ”best time for sex?” na sinagot naman ni Aga ng, ”Wala namang oras ‘yan.”
So, therefore, I conclude na puwedeng nangyari ang sex in between sa talk-talk session nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …