Sunday , December 22 2024

Commission on Human Rights

LAHAT ng tao ay may karapatang mabuhay nang payapa at magkaroon ng katahimikan sa loob ng tahanan at pag-aari ng mga pribadong ari-arian. May karapatan siyang mabuhay na walang takot at makapagpasya nang malaya, makapagpahayag at lalong may karapatan siya laban sa pang-aabuso ng estado.

Ngunit hindi lahat ng paglabag sa karapatan ng tao ay saklaw ng Commission on Human Rights o CHR. Walang poder ang CHR na imbestigahan ang mga pang-aabuso ng mga pribadong tao o grupo laban sa karapatang mabuhay, karapatan sa ari-arian, karapatan sa pamamahayag o karapatang makapagpasya nang malaya. May mga institusyon ang pamahalaan para sa mga partikular na paglabag sa mga karapatang ito ng mga pribadong tao o grupo.

Ilan sa mga institusyong ito ay: kongreso, korte, pulis, Comelec, mga sangay ng pamahalaan tulad ng Department of Interior and Local Government, National Police Commission, Philippine National Police, Department of National Defense, at Armed Forces of the Philippines.

Ito ang ayaw unawain ng mga gustong gibain ang CHR. Kahit na malinaw pa sa sikat ng Haring Araw ang mandato ng komisyon ayon sa batas ay pilit nilang inililigaw ang kanilang wala o salat sa aral na tagasunod sa pamamagitan ng malisyosong pagpupumilit na imbestigahan ng CHR ang mga biktima ng krimen ng mga pribadong indibiduwal o grupo.

Bakit daw ang sinasabing pang-aabuso ng pulis at militar ang sinisilip ng CHR? Bakit hindi raw nito iniimbestigahan ang pinatay o ginahasa ng mga kriminal lalo na ng mga lulong sa droga? Bakit hindi sinisilip ang insidente kung saan minasaker ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga pulis na tumugis at nakapatay sa isang kilalang terorista? Bakit umano walang kibo ang CHR sa mga insidente ng pananambang ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga sundalo?

Uulitin ko, hindi trabaho ng CHR na imbestigahan ang mga krimen ng pribadong indibidwal o grupo, maging adik man o kasapi ng MILF o NPA. Trabaho ng pulis na imbestigahan ang ating mga nabanggit katulong ang kaukulang sangay ng pamahalaan. May mga batas din sa Revised Penal Code tungkol sa paglabag o pang-aabuso sa karapatan ng tao na maaring gamitin para makuha ang katarungan.

Ang iniimbestigahan ng CHR ay mga patayan o krimen na ang sangkot ay pulis o sundalo dahil ito ang mandato ng komisyon. Kung madalas na sinisilip ng CHR ang pulisya at militar ay dahil dumarami ang insidente ng pang-aabuso o krimen na sila ang sinasabing sangkot. Hindi dapat isisi sa CHR kung bakit nito iniimbestigahan ang mga pulis o sundalo, bagkus ay dapat tayong magpasalamat dahil matapat na ginagampanan ng komisyon ang tungkulin nito.

***

May mangyayari raw na hindi kaaya-aya sa mga customs examiner na hindi pagbubutihin ang trabaho lalo na ang may kaugnayan sa pagbibigay turing sa mga produktong pumapasok at lumalabas ng bansa. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyong bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN
ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK



About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *