Monday , December 23 2024

Editor, 12-anyos, GF, 2 pa patay sa condo ni sharon (Amok dedbol sa pulis)

ISANG 12-anyos dalagita, isang beteranong mamamahayag at isang babaeng tinukoy na live-in partner, sinabing pinagsasaksak at inihulog mula 14/F, ang iniulat na napatay ng isang amok sa Pasay City.

Napatay din ng mga pulis ang suspek sa condominium na pinangyarihan nitong Martes ng gabi.

Sa kuha ng CCTV, hinahabol ang isang babae ng isang lalaki habang inuundayan ng saksak gamit ang kutsilyo sa 16th floor ng Central Park 2 Condominium sa De Jorge St., bago mag-7:00 ng gabi.

Nabulabog ang mga tenant ng condominium nang makarinig ng ingay at sigawan.

ISA-ISANG inilalabas mula sa Central Park 2 Condominium sa Jorge St., Pasay City ang anim na bangkay ng mga biktima kabilang ang amok na si Alberto Garan nitong Martes ng gabi. Napatay ang suspek nang tangkaing lumaban sa mga pulis na sinuyod ang ilang palapag ng condominium bago siya natagpuan. (ERIC JAYSON DREW)

Ayon sa isang tenant, narinig niya ang maraming sigaw. “Pagtingin ko sa bintana, may tumatakbo. Narinig ko ‘wag, ‘wag’ pagbukas ng pinto ng asawa ko, kaagad niyang isinara. May lalaki raw, may dalang panaksak.”

Kinilala ang suspek na si Alberto Garan, 36-anyos, ng Brgy. Catugay, Baggao, Cagayan.

Ayon kay National Capital Region Police Office chief, Director Oscar Albayalde, galing sa Cagayan si Garan at ang karelasyon niyang si Emelyn Sagun, 30-anyos, ng Unit 14004, 14th floor ng Central Park 2 Condominium.

“Nagkaroon ng heated argument with his girlfriend. Isa raw po itong massage attendant ‘ata, at nag-start sa 16th floor. At lahat ng dinaanan pagkatapos mag-away nilang mag-girlfriend ay pinagsasaksak niya,” ani Albayalde. “Napatay po niya tapos tinulak niya sa 16th floor kaya nakuha ‘yung babae sa ground floor.”

Nagpaputok ng baril si Garan ngunit hindi tinamaan si Sagun.

Pumalya ang baril at hindi na pumutok kung kaya kumuha na lamang ang suspek ng kutsilyo at pinagsasaksak ang karelasyon. Pinagsasaksak din ng suspek ang bawat madaanan. Bago ang insidente, sinasabing nakita ng suspek na may kahawak-kamay na ibang lalaki si Sagun na naging dahilan ng pagseselos ni Garan.

Kabilang din sa napatay sina Daisery Castillo, 12, Grade 6 pupil, ng 16th floor; Joel Palacios, dating news editor ng Manila Standard at dating Vice President for Media Affairs ng Social Security System (SSS); Ligaya P. Dimapilis, 36, at Leticia Ecsiagan, 50-60 anyos, pawang may mga tama ng saksak sa kanilang katawan.

Samantala, kabilang sa 10 sugatan ang mga biktimang sina Belcris Elorde, 24, ng 16th floor; April Joy Sagarino, 20, ng 28th floor, at Margie Morales, 26, pawang nakaratay sa Pasay City General Hospital.

Agad nagresponde ang mga pulis at binaril si Garan nang manlaban.

Kaugnay nito, tinanggal sa puwesto si Sr. Insp. Edgar Dimaunahan, commander ng Police Community Precinct (PCP-5), dahil sa ‘lapses’ sa nasabing insidente, at iniimbestigahan ng pulisya ang mga guwardiya ng Corregidor Veteran Security Agency, na nakatalaga sa nasabing condominium.

Samantala, humingi ng tulong sa may-ari ng condominium ang ina ng biktimang 12-anyos na si Daisery Castillo, 12, Grade 6 pupil. Ayon sa ina ng 12-anyos na si Mary Grace, nais nilang humingi ng tulong sa may-ari ng condominium na sinabing ang aktres na si Sharon Cuneta.

Sa nasabing condominium, naasunto ng estafa ang anak ng dating alkalde ng Pasay City dahil umano sa maling advertisement.

Sinabi umano na ang condo ay sa Makati City ngunit natuklasan na ito pala ay nasa Pasay City.

Kasama sa inasunto ang business partner ni Cuneta na si Emilio Ching at lima pang kinatawan ng First Design Builders and Marketing.

Natuklasan ng dalawang nagreklamo na isang Milagros Alora at Mary Jean Chua, na ang lokasyon ng Central Park II Condominium, ay hindi sa Hen. Tinio Street, Bangkal, Makati City kundi sa Jorge Street, San Roque, Pasay City.

ni JAJA GARCIA

About Jaja Garcia

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *