Sunday , December 22 2024

Ang nakaraan ang dahilan nang ngayon

MARAMING kritiko ang nagtataka kung bakit sa kabila nang laganap na patayan, kawalan nang konkretong accomplishment ng kasalukuyang administrasyon at pagiging nasa bingit natin sa diktadura ay nananatiling mataas ang rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga survey.

May palagay ako na ang labis na pagkasuya ng mamamayan sa nagdaang administrasyon ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang dahilan kung bakit ganito ang pananaw ng marami ngayon. Lubhang napuno ang taongbayan sa paghahari ng mga oligarkiya na sinimbolo at pinaglingkuran ni BS Aquino sa panahon ng kanyang pamamalagi sa poder.

Hindi gusto ng Usaping Bayan na manisi dahil walang ibubungang positibo ito sa kasalukyang usapan pero hangga’t itatanggi o hindi papansinin ng mga kritiko ang mga ginawa ng dilawang administrasyon sa panahon nila sa poder ay mananatili sila sa kanilang pagtataka.

Sawa na ang taongbayan sa paghahari ng mga oligarkiya na naging halata sa panahon ng diktadurang Marcos. Ngunit imbes magkaroon ng pagbabago matapos ang ilang EDSA (1986 at 2001) ay tumindi lamang ang oligarkismo sa ating bayan, lalo sa panahon ni BS Aquino.

Pansinin, sa kabila ng pag-unlad ng ekonomiya sa panahaon ng ikalawang administrasyong Aquino (2010-2016) ay nanatiling ekslusibo ang kapakinabangan nito sa mayayamang pamilya. Imbes magkaroon ng inclusive growth na tinatawag ay naging eksklusib lamang ito sa halos 20 pamilya. Sa panahon din ni BS Aquino ay lumaganap nang walang humpay ang kriminalidad, ilegal na droga at bumagal ang takbo ng hustiya.

Sa panahon din ng administrasyong BS Aquino ay nakita ng taongbayan kung nasaan ang puso ng dating pangulo nang mas pinapaboran ang mga negosyante kaysa maliliit na kababayan. Isang halimbawa nito ay nang mas pinili niyang bumisita sa planta ng Mitsubishi kaysa salubungin ang mga bangkay ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force na minasaker sa Mamasapano ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberaton Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter.

Pansinin din na wala siyang ginawang aksiyon sa pagkakalat ng kanyang mga kalihim sa kanilang mga tungkulin na naging dahiln para sumama ang lagay ng serbisyo publiko, lalo sa Light Rail at Metro Rail Transits, mga pagamutang bayan, paliparan atbp…

Ang ganitong kapabayaan at kawalan ng damdamin para sa taongbayan ang nagtulak sa kanila na ihalal at bulag na tanggapin ang isang mala-kanto boy na tulad ni Pangulong Duterte.

***

Tuloy daw ang laban matapos ibasura ni Pangulong Dterte ang peace talks ayon sa huling pahayag ng Communist Party of the Philippines (Marxist-Leninist-Mao Tse Tung). Sa madaling salita ay wala pa ring katahimikan na mararamdaman sa ating bansa lalo sa mga kanayunan. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyong bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *