Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hihingi ng rematch si PacMan?

NAGIMBAL ang boxing world nang ianunsiyo ng ring announcer na natalo si Manny Pacquiao kontra kay Jeff Horn via unanimous decision.

Yung nanalo lang si Horn ay parang suntok na sa buwan,  ano na matatawag doon sa naging unanimous decision na pagkatalo?

Siyempre, masakit iyon sa mga fans ni Pacquiao.

Anyway, anumang protesta ang gawin ng kampo ni Pacquiao hindi na mababago ang naging decision ng tatlong hurado.

May rematch clause naman ang kontrata nila ni Horn.  Puwede niyang gamitin iyon para makaresbak sa Austaliano.

Hindi naman siguro luto ang nasabing laban.  Dahil kung talagang dominado ni Manny ang laban, bakit hindi ibibigay sa kanya ang laban?

Talaga lang sigurong hindi kumbinsido ang mga hurado na malilinaw ang mga patama ni Pacquiao.

At isa pa, mukhang hilaw nga ang naging training ni Pacman.   Alam naman natin na huli na silang nagsimula ng training ni Freddie Roach. Habang sagsag sa ensayo si Horn, pinag-uusapan pa ng kampo ni Pacquiao kung saan sisimulan ang 2nd phase ng ensayo.

Siguro, kung magkakaroon ng rematch, hindi na mangyayari ang hilaw na ensayo.   Paghahandaan na ng kanilang kampo si Horn.

0o0

Sa kabuuan ng laban nina Pacquaio at Horn, maraming beses ang nangyaring yakapan.  Halos i-judo na ng Australiano ang Pinoy pug.  Sabi nga ng announcer sa radyo na nag-cover ng live, dapat pala ay nag-aral ng mixed martial arts si Pacman para ma-counter ang mga panggugulang ni Horn.

Pero teka, mukhang may naaamoy tayong senaryo sa ipinakita ni Horn laban kay Pacquiao.   Mukhang epektib ang may kaalaman sa mixed martial arts para talunin ang lehitimong boksingero.

Well, malapit na ang laban nina Floyd Mayweather at McGregor na isang lehitimo namang mixed martial artist.

Hindi kaya masundan ang isang malaking upset sa kasaysayan ng boksing?

Muli…tinalo ng isang mixed martial artist ang isang boksingero?

KUROT SUNDOT – Alex Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Cruz

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …