Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Happy Mother’s Day!

SUMAKTO rin.

Noong nakaraang linggo kasi bumaha sa social media ang batian ng mother’s day.

Pero ang totoo palang Mother’s Day ay tuwing ikalawang araw ng Linggo  ng Mayo.

Ngayon ay pumatak na ang 2nd Sunday ay May 14, kaya ngayon po ang eksaktong araw Mother’s Day para sa 2017.

Palagay natin, kaya naging excited ang netizens sa pagbati sa social media ay dahil mainit pa ang isyung ‘na-ano lang.’

‘Yan ang deskripsiyon ni Senator Tito Sotto, sa mga babaeng may anak pero walang asawa. ‘Na-ano lang.’

051417 Happy Mothers Day

Kaya naman sila ang gusto nating batiin sa espesyal na araw na ito — pero siyempre sa lahat ng mga nanay — HAPPY MOTHER’S DAY po sa inyong lahat!

Kung ‘yung mga nanay na may katuwang nga sa buhay, naririnig pa rin na nagrereklamo sila, e di lalo na ‘yung mga babaeng solo parent.

‘Yung tinawag ni Tito Sen na ‘na-ano lang.’

Anyway, mahirap sukatin ang papel ng bawat ina sa kanilang anak at sa buong pamilya. Pero ang alam natin, marami sa kanila ang nagsisilbing ‘adhesive’ sa buong pamilya.

Sila nga ang ILAW, kaya kung mayroon mang nagdidilim ang landas sila ang unang nagbibigay ng liwanag.

Bawat tahanan nga, hindi natin alam kung ano ang mangyayari kung walang nanay.

At kahit ‘yung mga namayapa na ang mga nanay, alam natin, sa kanilang mga nanay pa rin sila humuhugot ng lakas ng loob at inspirasyon.

Kaya sa araw na ito, ibigay po natin sa ating mga “INA” ang pinakamahalagang oras — kung nasaan man sila naroroon.

Muli, HAPPY MOTHER’s DAY sa lahat ng mga nanay!

‘THE GREAT DEPRESSION’
SA BUREAU OF IMMIGRATION (BI)

040717 immigration money protest

Damang-dama na ang malungkot na atmosphere ngayon sa Bureau of Immigration (BI).

Kung noon ay maaliwalas ang pagmumukha ng mga empleyado, ngayon naman daw ay bakas na bakas ang matinding stress sa mukha nila at ang bigat ng kanilang mga paa habang naglalakad pagpasok sa opisina.

Malaking enerhiya ang nawala sa kanila at halata ang mabigat na pakiramdam na dinadala ng bawat isa!

Mantakin n’yo naman, halos apat na dekadang tumagal ang “legacy” na pagbibigay ng overtime pay ni Senadora Miriam Defensor Santiago noong naging Immigration commissioner siya pero sa isang iglap ay naglaho itong parang isang bula!

Malaking pinsala ito sa kabuhayan ng mga empleyado at sa kanilang pamilya.

Isipin na lang na papalapit na ang pasukan at kailangan na namang magmatrikula ng mga anak nilang estudyante.

Paano kung may mga anak na papasok sa kolehiyo o ‘di kaya naman ay mga hayskul na nasa pribadong paaralan?

Aside sa matrikula, siyempre kailangan rin nilang bumili ng mga libro, uniporme at school supplies.

Matugunan pa kaya ito ng mga empleyado kung ang suweldo ng isang nagtatrabaho sa Bureau of Immigration ay kulang pa para sa araw-araw na pasahe nila?!

Kung sakaling ang matrikula ay mabayaran, paano naman ang arawang baon at pasahe papasok at pauwi sa eskuwela?

Susmaryosep!

Kung bata ka pa at may pagkakataon na lumipat at maghanap ng ibang pagkakakitaan, tiyak na hindi magtitiyaga sa naturang ahensiya ang isang empleyado!

Sa ngayon ay hindi kukulangin sa 400 empleyado umano ang nag-file ng leave of absence. Majority sa kanila ay tuluyan nang nag-resign habang ang iba ay nagbabalak mag-resign na rin dahil hindi na nila kayang ‘sumayaw’ sa umiiral na bagong sistema sa Bureau kompara sa estilo ng kanilang pamumuhay.

Karamihan sa kanila ay mga bata pa at may pagkakataon pa na mag-apply sa pribadong sektor.

Ang iba naman ay naisipan na mangibang bansa,  baon ang mapait na karanasang sinapit sa pagtatrabaho nila sa ahensiya!

Hay naku!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *