SA Riyadh, Saudi Arabia, sinabi ni PRESDU30 na iaatras niya ang kaniyang binitiwan na salita na maglalagay siya ng flag ng Filipinas sa Spratly’s Island na inaangkin ng China at ng iba pang Estado.
Aniya, “Because of our friendship with China and because we value your friendship, I will not go there to raise the Philippine flag.”
Mas bibigyan ngayon ng pansin ni PRESDU30 ang trade, investment at assistance with China kaysa makipagtalo sa naturang bansa nang dahil sa teritoryo.
ABU SAYAFF
MAY KASABWAT
SA BOHOL
Napag-alaman ng mga militar na may kasabwat na residente sa Bohol ang mga Abu Sayaff na dumayo doon kamakailan lang. Pinaniniwalaang plano ng bandidong grupo na mang-kidnap ng mga dayuhang turista sa nasabing pro-binsiya.
Tukoy na rin naman ng militar ang nasabing residente at kanila nang tinutugis sa ngayon.
Ang nasabing residente ay kinilalang si Joselito Milliora. Ayon sa kapatid ni Milliora, na si Arnolfo, isang taon nang hindi umuwi si Joselito, at noong Lunes ay biglaang dumating na may mga kasama at may dalang mahabang bagay na nakabalot.
Si Joselito Milliora at mga kasamahan niya ay hinahanap na ng mga awtoridad sa nga-yon.
DAHIL SA CONDOM
NABUKING
Sa Texas, USA, inaresto ang mag-asawang sina Juan Wang at Joseph Emery na may-ari ng isang massage parlor.
Sila ay pinaghihinalaang nagpapatakbo ng prostitusyon sa nasabing establishment.
Ang malaswang gawain ay nabuking, matapos makuha ng pulisya ang daan-daang condom na bumara sa tubo ng nasabing property, naging dahilan ang nasbaing mga condom para humina ang daloy ng tubig sa lugar.
Noong Marso pala ay nadakip na rin ang mag-asawa sa kasong prostitution at money laundering activities.
MGA KUWENTO NI MRS. OX – Marnie Stephanie Sinfuego