Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gordon bumanat kay PresDU30

BINATIKOS ni Sen. Gordon ang naging desisyon ni PRESDU30 na mapunta nang tuluyan ang mga housing units sa mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY).

Para kay Gordon, masamang senyales ang ginawa ng Pangulo at hindi dapat ibigay ang mga bahay sa mga nanggugulo. Ani Gordon, “Again, you’re falling on your own sword. Nadadapa ka sa sarili mong espada because pagkaganiyan, that’s a ticket to what you call Anarchy. Anybody taking the law into their own hands. These people are not above the law.”

PRESDU30 NAGBANTA
SA IMMIGRATION

Sa isang talumpati ni PRESDU30 sa Nueva Ecija, sinabi niyang hindi siya papayag na i-bully ng mga tao ng gobyerno ang mga OFW.

Dagdag niya, lahat ng corrupt immigration officers ay ipapadala niya sa Jolo. Kung hindi titigilan ang mga ginagawang anomalya. Sinabi rin niya na pag may isang magkamali sa hanay nila, lahat alis, ultimo pulis.

EMOSYONAL SI SUENO

Emosyonal na nagpaalam si former Sec. Ismael Sueno sa kaniyang mga empleyado sa Department of Interior & Local Government (DILG) kahapon. Siya ay napaiyak pa. Matatandaang tinanggal siya ni PRESDU30 sa posisyon sa kadahilanang loss of trust & confidence.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Sueno na akala niya, ang tingin na sa kaniya ng mga empleyado ay isa na siyang corrupt. Pagkasabi nito, sumigaw ang mga empleyado ng NO!

Siya raw ay umiyak upang mailabas ang sama ng loob, pero kaniya din inilinaw na hindi masama ang kaniyang loob kahit sa Pangulo.

MGA KUWENTO NI MRS. OX
ni Marnie Stephanie Sinfuego

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …