Friday , November 22 2024

Krisis sa OT pay ng BI employees, mismanagement ni Diokno ng DBM!?

SUPPOSEDLY ang Department of Budget and Management (DBM) na kasalukuyang pinamumunuan ni Secretary Benjamin ‘joke-no’ Diokno ang dapat na makaresolba sa nagaganap na krisis sa Bureau of Immigration (BI).

Ito ‘yung isyu ng biglaang pagpapatigil o permanenteng pag-aalis sa overtime pay ng mga empleyado ng BI na labis na nakaapekto sa normal na pamumuhay ng kanilang pamilya.

Ang ipinagtataka natin dito, bakit imbes maging bahagi ng solusyon si Secretary Diokno, ‘e siya pa ang nagiging sagabal para tapusin ang krisis.

Simple lang naman ang kahilingan ng mga empleyado, i-moratorium (o status quo) muna ang Express Lane funds patungong National Treasury para mailaan muna sa pagbabayad ng overtime pay ng mga empleyado na agad-agad pinutol mula pa nitong Enero 2017.

Agad-agad pong pinutol at hindi dumaan sa due process.

Kasabay nito, tutukan na ang pagpapasa ng amyenda sa Immigration Act of 1940 para sa bagong Philippine Immigration Law upang maprotektahan sa ilalim ng Salary Standardization Law (SSL) ang suweldo ng mga empleyado ng BI.

Kung hindi tayo nagkakamali, ganito rin ang mungkahi ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. Isang tunay na win-win solution.

Kung mangyayari ito, naresolba na ang krisis sa Immigration, naiayos pa ang Immigration Law.

Hindi gaya ng gustong mangyari ni Secretary Joke-no ‘este Diokno na tuluyang pahirapan ang mga empleyado ng Immigration.

Sa totoo lang po mga suki, iba ang kalidad ng mga empleyado sa BI. Karamihan po ng mga nagsipag-apply at nakapasok na immigration officers diyan na newly grad ay may Latin Honors. Sila ‘yung mga tinatawag na cream of the crop. ‘Yung iba nga, may masteral, LLB graduate at mayroon pang CPA.

Kaya nga naghahanap sila ng trabaho na sa tingin nila ay well compensated sila lalo’t hindi naman ganoon kadali ang magiging tungkulin at obligasyon nila sa Bureau.

Ayaw ba ni Secretary Joke-no ‘este Diokno na magkaroon ng dignidad ang mga empleyado ng gobyerno?!

Ayaw ba ni Diokno na mangarap ang mga kabataang estudyante na makapasok sila bilang kawani sa public sector dahil narito ang trabaho na makapagbibigay sa kanila ng magandang buhay?

Ang gusto yata nitong si Secretary Diokno, sila lang ang may magandang buhay at ang ibang mga empleyado ng gobyerno ay magmukhang gusgusin, walang sariling bahay at hindi nakapagpapaaral ng  mga anak?!

Ganoon ba ang gusto ninyo Secretary Diokno?!

Wattafak!?

Masyado ka namang selfish, Sir!

Ikaw lang naman ang kumukontra sa isyu ng overtime pay?!

Be wise, Secretary Diokno.

Kanino ba talagang interes ang pinoproteksiyonan ninyo Mr. Secretary?!

Interes ba ng mga Filipino o interes ng ‘amo’ mong Kano?!

Gusto mo bang dumiretso sa National Treasury ang Express Lane funds para deretso sa lukbutan ng IMF-Word Bank?!

Pakisagot na nga Secretary Joke-no!

MAY TOLL FEE
SA TUTUBAN MALL!?

SIR Jerry, alam na ba ninyo na ang Tutuban Mall ay may toll gate na? Isinara na ang daan sa Mayhaluige St. May bayad pag dumaan ka.

+639159310 – – – –

SPAKOL SA BUENDIA,
PASAY CITY

GOOD pm po sir Jerry, bakit hindi nabubulabog ang matagal na Lapu-Lapu spakol dto sa Buendia Pasay. 1k lang puwede nang extra service sa cubicle. Halatang may timbre sa pulis Pasay ‘di ba?

+63917404 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *