Sunday , November 24 2024

VIPs ng bilibid sa ISAFP Custodial Center buking na naman sa VIP treatment ulit?!

WALA na raw natira maliban sa isang telepono at isang telebisyon, at walang air-conditioning unit ang custodial center ng Intelligence Service of Armed Forces of the Philippines (ISAFP) nang masagawa ng clearing operations ang Bureau of Corrections (BuCor) at Special Action Force (SAF).

Sa custodial center ng ISAFP pansamantalang inilagak ang walong high-profile inmates ng National Bilibid Prison (NBP) na tumestigo laban kay Senator Leila De Lima sa congressional hearing tungkol sa illegal drugs trade sa loob.

Kasunod nito sinibak ni BuCor director Benjamin delos Santos ang halos 20 personnel habang nirerepaso ang kanilang kaso.

Nadidiin na naman ngayon si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II matapos niyang sibakin si BuCor legal chief Alvin Lim, na siyang nagkuwestiyon at naglabas sa publliko na nanatili ang perks and privileges na paggamit ng electronic gadgets, smart television set, air-conditioning unit, internet at cellular phones ng walong high-profile inmates.

‘‘Yan daw ang kapalit ng patuloy na pagdiin ‘este pagtestigo nila laban kay Senator De Lima.

Tsk tsk tsk…

Mukhang walang humpay ang labanan sa pagitan ng magkakaibang kampo na nagsimula sa war on drugs ng kasalukuyang administrasyon.

Sa nangyayari ngayon, lalo lamang lumalabas na may katotohanan ang sinasabi ng Pangulo na malalim na ang inabot ng narco-politics sa sistemang pampolitika ng ating bansa.

At kung malalim na, mukhang hindi nga uubra rito ang mga tiradang tokhang at tokbang…

Kung ang narco-politics ay nagtatagumpay sa isang lipunang mas marami ang naghihirap at nagugutom ano ang pinakamabisang solusyon?

‘Yun ang dapat alamin at ugatin ng administrasyong Duterte.

Sabi nga niya, anim na taon lang siyang uupong Presidente ng bansa… At hindi niya dapat sayangin ang anim na taon.

Kailangan niyang umisip nang mas mabisang paraan upang tuluyang maigupo ang ilegal na droga sa bansa.

Kung sa tingin niya ay epektibo ang tokhang at tokbang, kailangang makaisip ang Pangulo ng kombinasyon nito para kusang mabakbak ang narco-politics sa sistemang panlipunan ng ating bansa.

Maraming magagaling na tao na nakapaligid sa Pangulo, sana’y makatulong sila sa pagsusulong ni Tatay Digs ng giyera kontra droga!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *