IBINAHAGI ni Councilor Saiben Panalong ng Butig, Lanao del Sur na nakipag-usap siya sa isa sa lider ng grupong Maute. Ayon sa kaniya, hindi makikipag negotiate ang naturang grupo sa gobyerno.
Aniya, “Gusto nila matikman ‘yung ating bago na mahal na Presidente.” Sabi nila samin, hindi sila aatras, kahit sino, kahit sinuman. Wala rin daw naman silang hinihingi kay PRESDU30. Nakipag-usap na rin sila kay Omarkhayam Maute, isa sa founder ng teroristang grupo.
Alerto rin ang AFP ngayon at hinahanap kung saan nagtatago ang halos 200 miyembro ng grupo na pinaniniwalaang nagtatago sa gubat.
PRESDU30 IPINAAARESTO NA
SI JACK LAM
Sa panayam kay PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, sinabi niya na nagbigay na ng order si PRESDU30 para arestohin si Jack Lam, isang Chinese gambling operator. Ito ay matapos maaresto ang mahigit 1,000 Chinese nationals na ilegal na nagtatrabaho sa online gaming office ni Lam sa Pampanga.
Wala pa namang official warrant or hold departure para kay Lam, pero ang mga opisyal ng pulisya ay itutuloy ang pag-aresto, dahil ito ay command ni PRESDU30, Chief Executive din ng ating bansa.
LACSON DESMAYADO
KAY PRESDU30
Desmayado si Sen. Panfilo Lacson kay PRESDU30, dahil sa tinatawag niyang “double standard” sa laban ng Pangulo sa droga. Ang akala daw kasi ni Lacson, “all-out” drug war ang kaniyang sinusuportahan. Aniya, “Change isn’t coming after all.”
Nadesmaya si Lacson matapos aminin ni PRESDU30, na siya ang nagbigay ng order kay PNP Chief Gen. Bato Dela Rosa na i-reinstate si Marvin Marcos bilang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief sa Region 8.
UPDATED NUMBER NG NAMATAY
SA “WAR ON DRUGS”
Sa buong mundo, simula nang umupo si PRESDU30 sa Malacañang, alam ang all-out campaign ni Duterte against drugs.
Simula 1 Hulyo hanggang 3 Disyembre, halos 5,800 katao na ang namamatay na may kinalaman sa droga. Ito ay bilang na pinagsama-sama mula sa legitimate police operations, from vigilante killings at ‘di maipaliwanag na pagkakamatay.
Ilan pa kaya ang madadagdag sa bilang?
MGA KUWENTO NI MRS OX
ni Marnie Stephanie Sinfuego