Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessy, muling iginiit na hindi niya inagaw si Luis kay Angel

AYON kay Jessy Mendiola nang makausap namin siya sa press conference ng 8th anniversary ng gag show na Banana Sundae, na isa siya sa regular mainstay, hindi niya raw isinasara ang kanyang pintuan sa posibilidad na maging magkaibigan sila ni Angel Locsin, ang ex ng boyfriend niyang si Luis Manzano.

“I’m not saying na talagang chummy na friends, pero,’ di ba, panahon lang ‘yan? Para sa akin talaga, kung saan siya (Angel) masaya, okey, kung saan ako masaya,” panimulang sabi ni Jessy.

Patuloy niya,”May kanya-kanya kaming buhay, so parang it’s such a waste of energy kung palagi na lang tayong nagagalit sa isa’t isa para sa wala, o kaya paulit-ulit na lang tayong lahat.”

Tinawag pang “blooming” ni Jessy si Angel.

“Kumbaga, parang blooming naman siya ngayon, so parang, ‘di ba, ano pang sense kung bakit kailangan pa nating i-push pa ‘yung issue na yun?”

Ang isyung sinasabi ni Jessy ay ang umano’y inagaw niya si Luis kay Angel. Na tahasan namang itinanggi ni Jessy dahil hiwalay na umano sina Angel at Luis nang pumasok siya sa eksena.

Handa ba niyang batiin si Angel kung sakaling magkita sila sa loob ng ABS-CBN?

“Bakit naman hindi?” sagot ni Jessy.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …