Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

ERC director nagbaril sa ulo

MASUSING iniimbestigahan ng Parañaque City Police ang pagpapatiwakal ng isang director ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng Department Of Energy (DOE) sa Parañaque City.

Sinasabing nagbaril sa ulo ng calibre .38 baril (Smith & Wesson) ang biktimang si Atty. Francisco Villa Jr., 54, ng 8 Florida St., Merville Park Subdivision, Brgy. Merville, Parañaque City .

Base sa inisyal na pagsisiyasat nina SPO2 Christopher Mamigo at SPO2 Christopher Bilange, base sa pahayag ng kasambahay na si Marlyn Magdasoc, dakong 6:00 am nang mangyari ang insidente sa silid ng biktima.

Sa salaysay ni Magdasoc, habang naglilinis siya sa kusina ay nakarinig siya ng putok ng baril ngunit binalewala lamang niya ito.

Ilang sandali ang nakalipas, nagtungo siya sa sofa upang kunin ang mga basura nang kanyang mapansin bukas ang silid at nakitang nakahandusay ang biktima sa kanyang kama katabi ang baril.

Nakuha ng Scene of the Crime Office (SOCO) ng Southern Police District (SPD) ang basyo ng bala ng kalibre .38 at tatlong pahinang suicide notes na may iba’t ibang petsa sa loob ng silid ng biktima.

Sinasabing nakalahad sa suicide note na may kaugnayan sa trabaho at problemang pinansiyal ang pagpapakamatay ng biktima.

( JAJA GARCIA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …