Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zanjoe, humuhukay ng bangkay

#SCHIZOPHRENIC father! Ito ang katauhang gagampanan ni Zanjoe Marudo sa Halloween episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) sa Sabado, Oktubre 30, sa Kapamilya.

Sa direksyon ni Elfren Vilbar at mula sa panulat nina Akeem Jordan del Rosario at Arah Jell Badayos, ang istorya ni Victor (Zanjoe) ay tungkol sa isang amang mapagkalinga sa pamilya na nagsimula sa pagtatayo ng isang bakery sa Iba, Zambales katuwang ang misis na si Marites (Isabel Oli).

Pero ang ginawa niyang pagtulong sa isang matanda at anak nitong lulong pala sa bawal na gamot ang nagpabago sa buhay at katauhan ni Victor dahil ang ipinundar nila ay kinuha ng mag-ina. Dahil sa depresyon, naiba ang pagkatao ni Victor at may mga pagkakataong hinuhukay nito ang mga bangkay at ibinabaon naman ang mga santo.

Makakasama nina Zanjoe at Isabel sa makabagbag damdaming episode ng MMK sina Eva Darren, Lance Lucido, Chunsa Jung, Boom Labrusca, Encar Benedicto, at Bryan Homecillo.

Hanggang saan kinaya ng pamilya ang naging kalagayan ng ama ng kanilang tahanan?

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …