PUSPUSAN ang pag-aaral ng Tagalog ni 2016 Mr. World 1st runner-up Fernando Alvarez simula nang dumating ito sa bansa.
Ito ay bilang paghahanda sa pagkakaroon ng teleserye o pelikula. Nag- audition na si Alvarez sa isang teleserye at kung papalarin, magiging hudyat na iyon ng pagpasok niya sa telebisyon.
Ani Fernando nang makausap namin sa aming radio program sa DZBB, ang 594 Walang Siyesta, “I Auditioned for new soap, hopefully I will get the role.
“I told them that this is my first acting audition in the Philippines, if they get me I will do my best for the role, if not I will thank them for the opportunity they gave me.”
Excited na si Fernando na makapagtrabaho sa bansa at kung mabibigyan siya ng pagkakataong makaarte ay baka magtagal siya sa Pilipinas.
MATABIL – John Fontanilla