Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion, muntik nang mag-quit

UMABOT pala sa puntong gusto nang mag-quit ni Marion Aunor sa music industry kahit na maganda naman ang takbo ng kanyang singing career.

Ayon kay Marion nang makausap namin siya kamakailan, umabot   sa puntong naisip niyang mag-quit. ”Minsan, napi-feel ko na gusto ko nang mag-quit kasi ang hirap. Tapos si Mom (Lala Aunor) naman, nagdasal siya na sana may sign na ganito.‘Tapos lumabas ‘yung nominations the next day. Hayun, parang nasagot ‘yung prayers niya, kung itutuloy ko pa ba o hindi? Nag-send kasi ng message si God na…’Siya kasi (referring to her mother), gusto niyang maging successful ako. At hindi natin alam ang number of years na malalaman mo kung nagiging successful pa ba o itutuloy pa ba?” sabi ni Marion.

Inisip na lang din ni Marion ang ibang kapwa niya singer na nagbilang ng maraming taon bago nagkapangalan o sumikat sa music industry.

“Nababasa ko rin naman sa write ups ng mga artist na ilang years talaga bago ‘yung break. ’Yung, ‘Ay ang tagal na pala nila, ‘tapos sikat na sila ngayon. Ang dami rin nilang pinagdaanan.”

Samantala, sa October 16, Linggo, gaganapin ang concert ni Marion billed as Marion + Le Band sa 9 East Bar, sa Sucat Paranaque. Ipinagmalaki raw niya ito at makakasama niya ang balladeer na si Michael Pangilinan. Ang magiging host ng concert ay ang DZMM Teleradyo Chismax host na si Ambet Nabus.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …