Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC, nakipaghalikan sa kapwa lalaki at nagpakita ng butt

BEST. Partee. Ever!

And this movie might be JC de Vera’s best to-date!

Again, portraying the role of an affluent gay na napagbintangang isang pusher, ang gusto namang tumbukin ng direktor nito na si Howard F. Yambao ay ang aral na nasa loob o labas ka man ng mga rehas na bakal, madalas na pare-pareho rin ang sistemang umiiral.

Nang pinanonood ko ang istorya ni Mikey Ledesma III na hango sa tunay na buhay, hanggang sa pagtatapos nito, ang aktor na si Mark Anthony Fernandez ang nakita ko sa nasabing katauhan. Nahuli. Napiit. Na may hugot sa huli!

At kung saan kinunan ang mga eksena ni JV with his co-stars Jordan Herrera, Aaron Rivera, Shandii Bacolod, Paul Roquia ay ang kulungang kumakanlong ngayon kay Mark. Kinunan ang mga eksena sa nasabing piitan early this year pa, in seven days na  inabutan pa sila ng bagyo at nasira ang set dahil binaha ang loob nito.

Natanong ko nga si JC kung sa tingin ba niya eh, nagiging panay-panay naman ang pagkakaroon ng mga bading na karakter sa TV at sa pelikula? Na parang dumarami na ang gumaganap dito.

“Hindi naman panay-panay. Nagkakataon lang na may magagandang istorya na ang mga karakter eh nabibilang sa third sex. Yung karakter ko naman dito bilang si Mikey eh, lalaki pa rin ang pisikal na anyo at nasa loob ang totoong katauhan. He loves to party and enjoy lang his life until that incident na pinagkamalan siyang nagtutulak ng drogang ginagamit nila in their parties.”

Kung Albie nailed his role as Erica in MMK, JC performed his closet gay role to the hilt. At masosorpresa ang lahat sa pagpayag niya in a kissing scene with another man here. As well as baring his butt in his shower scenes.

Life is one big party ano kaya ang sa ‘yo?

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …