Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Trillanes: Insurance coverage ng AFP, PNP members itaas

BIGLANG pagkilala sa ‘di matatawarang serbisyo ng mga sundalo, pulis at iba pang miyembro ng uniformed service, lalo na sa gitna ng pinaigting na kampanya kontra droga at krimen, pabor tayo sa isinusulong ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV na Senate Bill No. 284.

Ito ang panukulang magtataas sa insurance coverage at benefits ng lahat ng miyembro ng uniformed service.

Sabi nga ni Senator Trillanes: “Sa kasalukuyan, ang ating mga sundalo at pulis ay sakop ng Special Group Term Insurance na nagbibigay ng benepisyo sa kanila at sa kanilang pamilya kung sakaling may ‘di magandang mangyari sa kanila. Kasama rito ang P16,000 para sa natural death at P32,000 para sa tinatawag na Killed-in-Action, at dagdag na P1,000 bilang burial benefit.

081216 AFP PNP

“Ang mga nasabing halaga ay huling itinaas noong Marso 2000 o higit 15 taon na ang nakalipas, at di na sapat para matugunan pa ang kanilang pangangailangan kung sakaling may di magandang mangyari sa gitna nang pagganap nila sa kanilang mga tungkulin. Kaya napapanahon na para madagdagan ang kanilang insurance coverage at benefits.”

‘Yan ang marring mungkahi ng Senador.

Sa ilalim ng SBN 284, ang uniformed personnel, kabilang ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, National Bureau of Investigation, Philippine Drug Enforcement Agency, at Philippine Coast Guard, na nasawi o nasugatan sa gitna nang pagganap sa kanilang tungkulin ay mabibigyan ng P250,000 death at disability benefits, at hanggang P100,000 benefits para sa gastos pangmedikal.

“Malaki ang inaasahan natin mula sa ating uniformed personnel: mula sa pagpapanatili ng peace and order sa bansa, lalo sa mas pinaigting na laban kontra droga at krimen; hanggang sa rescue, relief and rehabilitation sa mga panahon ng kalamidad at krisis. Marapat lang masiguro natin sa ating mga sundalo at pulis, pati na rin sa kanilang pamilya, na sa pamamagitan ng panukalang ito ay handang sumuporta ang pamahalaan kung sakaling may mangyaring ‘di kanais-nais sa kanila.”

Si Senator Trillanes ay dating opisyal ng Philippine Navy at naranasan niya ang hirap na malayo sa pamilya.

Kaya naman mahalaga para sa kanya na segurado ang bawat uniformed personnel at kanilang pamilya.

Aprub tayo diyan!

HAPPY 76TH ANNIVERSARY
BUREAU OF IMMIGRATION

091216-immigration

NITONG nakaraang 02 Setyembre ay ginanap ang ika-76 anibersaryo ng pagkakatatag ng Bureau of Immigration (BI).

Isang simpleng pagdiriwang ang ginanap sa BI-Main office na dinaluhan ng iba’t ibang opisyal ng mga ahensiyang nasa ilalim ng Department of Justice.

Kabilang sina DOJ Secretary Vitaliano Aguirre at NBI Director Dante Gierran sa mga naging importanteng panauhin sa nasabing selebrasyon.

Nagkaroon din ng simpleng programa at inihayag ang paggawad ng mga parangal sa ilang opisyal at empleyado ng kagawaran na nagpakita ng kakaibang gilas at dedikasyon sa trabaho para sa nagdaang taon.

Ito ang unang anibersaryo na ginanap sa administrasyon ni Commissioner Jaime Morente at ng dalawa pang Associate commissioners na sina Michael Robles at Al Argosino.

Ang pagdiriwang ay naging napakasimple at hindi gaya ng mga nagdaang taon na talagang bongga at tadtad ng sandamakmak na “praise release” at accomplishment kuno para sa mga nagdaang commissioners.

Hindi gaya noong nakaraang administrasyon na napakaraming pa-eklat na selebrasyon pero pampogi lang sa namumuno noon.

Ngayon ay makikita na pasado sa halos lahat ng mga empleyado ang kasalukuyang takbo ng organisasyon.

Bagama’t hindi gaanong madama ang pagkakaroon ng extrang ‘biyaya’ tuwing sumasapit ang anibersaryo, makikita na walang tumaas ang kilay at nagbuhos ng sandamakmak na sama ng loob sa mga bagong upong opisyal ng ahensiya.

Sana ay mapanatili ang ganitong klaseng atmosphere sa mga susunod pang taon hanggang matapos ang termino nina Commissioners Morente, Robles at Argosino.

Para sa ika-76 anibersaryo ng Bureau of Immigration, ipinaaabot po namin ang lubos na pagbati para sa inyo!

Mabuhay po kayo!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *