Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cedric Lee, may kontra-demanda kay Vina

00 fact sheet reggeeNAG-POST kamakailan si Vina Morales sa kanyang Instagram account na humihingi siya ng tulong sa ex-boyfriend niyang si Robin Padilla dahil may gulo sila ng ama ng anak niyang si Ceana na si Cedric Lee.

Tinanong namin si Vina sa pamamagitan ng text message kung ano ang isinagot sa kanya ni Robin sa post niya, “Bin (Robin), oh, Away ako!!! Sabi mo ‘pag away ako, sumbong ako sayo Utol Kong Hoodlum.”

Natawa kami sa sagot ng singer/actress, “patawa lang ‘yun, ha, ha, ha. Dahil sa ‘Utol Kong Hoodlum’ movie. ‘Yung mga comments nga natatawa sila, cute. Siyempre dami nanood ng ‘Utol Kong Hoodlum’.”

Si Robin kasi ang leading man ni Vina sa nasabing pelikula na ipinrodyus ng Viva Films noong 1992.

Sa ginanap na Born For You advance screening sa Trinoma Cinema 7 ay sadyang inabangan namin si Vina para hingan ng reaksiyon sa sinabi ni Cedric na idedemanda siya ng six libel cases.

Sa pahayag ni Cedric sa Philippine Entertainment Portal or PEP ay idadaan daw niya lahat sa legalidad ang gusot nila ni Vina at mariing itinanggi nito na binu-bully niya ang ina ng kanyang anak.

Nagmamadali ang buong cast kaya hindi namin nakausap si Vina at nagpadala na lang siya ng mensahe sa amin.

“This is not about me and Cedric, this is about my daughter’s welfare. Hindi naman ako lumalaban kung wala akong tamang inilalaban.

“Galing sa court mismo na wala silang 10-days court approved na until now ay kini-claim nila (Cedric) na mayroong ibinigay ang court. Hindi naman magsisinungaling ang court at si Judge Sulit.

“Mag- 30 years na ako sa showbiz, wala naman kayong nariririnig sa akin na may inisahan ako at nang-api ako ng tao.

“Sa narating ko ngayon, hindi ko kailangang gumawa ng kuwento para pag-usapan at katulad ng sabi ko sa korte na mismo nagsabi na walang 10 days kaya nga naibalik ang anak ko dahil sa court.

“He (Cedric) was cited in contempt by the court, ang nilalaban ko rito ay para sa anak ko. I’m a single mom and a working mom, sinusuportahan ko 100 percent ang anak ko financially and emotionally, lahat ng ginagawa ko ay para sa anak ko.”

Samantala, nakatakda ngayong linggo ang pagpa-file ni Cedric ng kaso laban kay Vina.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …