Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enchong, nawalan ng direksiyon ang career

TINANONG si Enchong Dee kung nawawala ba ang direksiyon sa kanyang career?

“Hindi naman nawawala ‘yung direksiyon dahil naroon pa rin ang drive ko,”bungad niya.

Pero aminado siya na may projects siyang pinalagpas at tinanggihan dahil may mga bagay na kailangan niyang i-prioritize noon gaya ng Pinoy Big Brother dahil gustong-gusto niyang gawin at maging host.

May mga sumasabay na proyekto pero PBB ang pinili niya. Gaya raw ng album niya na puwede na raw i-release ng December pero pina-hold niya dahil ‘pag inilabas niya ay kailangang maglaan siya ng oras para i-promote ito every weekend at hindi pa siya ready sa ganoon.

Naroon daw siya sa punto na sa 10 years niya sa showbiz na ‘pag inilabas ang isang proyekto ay ready niyang gawin ang lahat ng mga kaakibat nito.

Kumusta na ‘yung serye niya with Bea Alonzo? Nagsimula na ba sila?

“Pagbalik namin galing Germany at saka kami magsisimula. Rignt now, naka-focus muna ako rito (‘AgriCOOLture’ ng  Knowledge channel na magsisimula sa July 19 ) at saka sa album. By the time na magsimula ‘yun, at least tapos na rin ‘yung movie. Ayaw ko ring i-stress ang sarili ko na sabay-sabay,” sambit niya.

Excited daw siya na pupukpok na naman siya sa aktingan sa telebisyon.

Matagumpay ang lahat ng mga proyektong pinagsamahan nila ni Bea at ito raw ang pinaghuhugutan niya ng lakas gaya ng Magkaribal, Sa ‘Yo Lamang, at Four Sisters And A Wedding.

“Feeling ko lucky charm ko si Be…,” bulalas niya.

Tungkol naman sa bagong movie ni Enchong sa Regal Entertainment na I Love You To Death natuloy na raw ang kissing scenes nila.

“Hindi siya sanay (Kiray). Sobrang hindi siya sanay Naiintindihan ko naman , sabi nga niya parang lumaki siya at tumanda sa business na hindi naman siya romantically … hindi siya sanay.”

Hindi naman siya ‘yung first kiss dahil natikman na rin niya si Derek Ramsaypero ibang atake raw dahil ibang karakter naman ang ginampanan nila ni Kiray sa acting at kissing scenes.

“Inaasar  na siya ng mga staff at ibang artists dahil hindi niya magawa Ako, I’ll just stay there. Hindi kita pagtatawanan. I’ll be your supporter. I’ll be your man to be. Siyempre, sensitive  ang ganoong eksena, ‘di ba?,” bulalas pa ni Enchong.

Showing na ito sa  July 6.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …