Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vina, ‘di uurungan si Cedric, karapatan sa anak ipaglalaban

00 fact sheet reggeeNAGHAIN ng motion to counter si Vina Morales kahapon sa San Juan Prosector’s Office para sa visitation rights ni Cedric Lee sa anak nilang si Ceanna Magdayao. Bunsod ito ng reklamo ng aktres na kinuha ng ex-boyfriend ang anak nila at idinetine ng siyam na araw.

Ani Vina, lalaban na siya ngayon kay Cedric at hindi na magsasawalang-kibo tulad ng ginagawa niya noon.

“This time, hindi na puwede ‘yun, I have to fight for the sake of my daughter. Kung before, sinasabi ko, for the sake of my daughter I don’t want to speak up, ayokong makialam, ayokong magsalita kasi tatay pa rin siya ng anak ko.

“Pero ngayon, may ipinaglalaban ako. Ipinaglalaban ko ‘yung anak ko. So, hindi na ako takot ngayon. Sa rami ba naman ng sumusuporta sa akin at nagdarasal sa akin, I will not be scared anymore, tapos na ‘yun,” panimula ni Vina.

Visitation rights ni Cedric

Sa pagharap ni Vina, sinabi nitong nag-file si Cedric ng custody case  sa kanilang anak noong 2013.

“And that time, ginawan nila ng false story ‘yung yaya ko. Actually, ipinakulong niya ‘yung yaya ko for three days ng walang kalaban-laban. Tahimik kami noon. Ipinaglalaban namin ‘yun off-camera.

“And then, sabi niya, ipakukulong niya si yaya, nag-file siya ng custody. Mautak nga, eh. Magaling, napakagaling.

“And then, sabi niya idi-dismiss niya raw ‘yung kaso ni yaya kung may mga visitation right.

“In the first place, unang-una, I am not married to thim, I only have a kid with him. Secondly, I don’t ask for financial support, so zero,” sunod-sunod na sabi pa ng aktres.

So, pumayag daw siya sa visitation rights at okay na rin naman daw sa kanya dahil tatay ito ng kanyang anak.

“Kaya lang, this time, hindi ko alam kung ano ang nag-trigger sa kanya para i-detain  ang anak ko for nine days while I was away for a vacation. And siyempre, worried ako, ano ba ang nangyayari kasi hindi ko makausap ang anak ko,” ani Vina.

Sa kabilang banda, sinabi ni Cedric na pinayagan siya ng korte para makasama ang anak sa loob ng 10 araw. Subalit, iginiit naman ni Vina na walang katotohanan iyon.

“Unang-una, sino po ba ang nagsisinungaling sa amin? Siguro kung ganoon po, kung totoo ang sinasabi niya na may ibinigay na 10 days sa kanya ang korte, ang lalabas niyan, ang korte at ako ang nagsisinungaling.

“So, ngayon, hintayin na lang natin si judge kung ano ang masasabi niya na binigyan niya ng 10 days si Cedric,” giit pa ni Vina.

Pambu-bully at kinukutusan

Tinanong si Vina kung nagkausap ba sila ni Cedric bago siya nag-file?

“I don’t talk to him na po, it’s been years kasi unang-una, nagka-trauma rin ako, sa edad kong ito nagka-trauma rin ako sa ilang years na pambu-bully niya sa akin. After 2013, I don’t speak to him, it’s always through his lawyer,” anang aktres.

Naging emosyonal naman si Vina nang matanong ito ukol sa mga karanasan niya sa piling ni Cedrick.

“Alam mo ‘yung tao na away ng away? Matapang ako pero ayoko ng away, ayoko ng gulo, umiiwas ako riyan. Pero alam mo ‘yung taong kinukutusan ka araw-araw, binu-bully ka, matututo kang lumaban at baka mas matapang pa sa ‘yo ‘pag lumaban.”

Sa huling interbyu naman kay Cedric ay itinanggi niya ang akusasyong binu-bully niya si Vina. “Hayaan na lang natin siya sa mga sinasabi niya, baka siya lang ang naniniwala sa sarili niya,” sagot naman ni Vina.

Napakarami raw pambu-bully na ginawa sa kanya at sobrang takot na takot daw siya dahil alam nga niyang malalaki ang koneksiyon nito.

“That time, wala pang Vhong (Navarro) na nangyari, eh, so hindi pa alam ng tao kung anong klase ang ugali niya. Takot na takot ako sa mga koneksiyon niya,” sey pa ni Vina na hindi na raw siya nagulat pa nang mabalitaan niya ang nangyari kay Vhong.

Ang tanging dalangin na lamang ni Vina ay ma-grant ang motion niya.

“Kasi ayokong lumaki ang anak ko sa ganoong environment. Basta ako, I’m praying for the best at maraming nagdarasal sa akin.”

Bukas ang Hataw para sa panig ni Cedrick.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …