Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vina, idinemanda si Cedric Lee

NAGULAT ang lahat ng mga nakakita kay Vina Morales sa San Juan Prosecutors Office Branch 162 noong Biyernes, June 6 nang magsampa siya ng kaso laban sa ama ng anak niyang si Cedric Lee.

Kuwento ni Vina, “my hearing is tomorrow (ngsyong araw). He (Cedric) detained Ceana from going home for 9 days when I was away at hindi niya ipinapakausap sa akin ‘yung anak ko, so his intention was not good and wants to bully me and harass me.

“Hindi niya ibinalik sa family ko ang anak ko, sobra kami lahat na-stressed at nag-worry kasi bawal namin kausapin si Ceana.

“He also violated courts approved visitation rights na every Saturday’s.

“Alam mo ‘yan Reg, tahimik ako all these years sa pambu-bully niya sa akin at sa yaya ni Ceana noon na ipinakulong niya ng three days sa San Juan ng walang kalaban-laban dahil sa ginawa nilang false story sa case na nagnakaw si yaya ng P50k sa bodyguard ni Cedric na never nangyari ‘yun.

“Never akong lumaban noon pero ibang usapan na ito. Siyempre na-confuse ‘yung anak ko sa nangyari at nagkaroon ng kaunting trauma.

“Kung ako nga nagka-trauma sa kanya sa edad ko, what more ang 7 years old na nabigla at naguluhan bakit hindi siya puwedeng umuwi ng house ng nine days at hindi kami puwede makausap.

“I’m filing a motion doon sa custody case na nai-file niya sa akin noong 2013. Siya pa ang may lakas na mag-file ng custody. We are not even married and no financial support to my daughter.

“Ang worry ko ‘yung anak ko na lumaki sa environment na okay lang mam-bully at tumawa at mag-plan ng masama.

“My new lawyer now is Atty Maribel Santiago. The lawyer who also helped me last 2013 was Atty Ariel Radovan and Atty Jiboy Cabochan,” mahabang paliwanag ni Vina.

ni REGGEE BONOAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …