Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Gero­nimo Sharon
Sarah Gero­nimo Sharon

Pagkawala ni Sarah sa TVK3 ‘di ramdam

00 fact sheet reggeeSERYOSO na talaga si Sharon Cuneta sa pagbabalik-showbiz niya dahil panay-panay na ang post niya ng litrato na pumapayat na siya.

Kahapon habang tinitipa namin ang kolum na ito ay nadaanan namin angFacebook account ng Megastar na may litratong payat na at may caption na, ”if you know me and have seen the film ‘Thelma and Louise’, you know I’d be Louise! But that shirt’s in Manila now and I’m not. This was taken this morning. I feel I’ve lost about 50 lbs. now but am still not satisfied. A little bit more to lose and I’ll be back to my pre-Miel shape! Hope you’re all doing well. Lots of love and God bless you!”

Masaya kami para sa pagbabalik na ito ng nag-iisang Megastar dahil maski na maraming nagsusulputang aktres ngayon ay ‘di kompleto kung wala ang isang Sharon Cuneta sa larangan ng pag-arte at pagkanta.

Kaya naman parati naming inaabangan ang post ng ABS-CBN news ngThe Voice Kids 3 dahil hindi namin napapanood ito tuwing weekends.

Aliw na aliw kami sa banter nila ni coach Lea Salonga lalo na kapag pareho nilang gusto ang contestants na talagang payabangan sila ng kanilang achievements.

Pawang positibo ang reviews kay Sharon sa TVK3 kaya naman hindi rin namin naramdaman ang pagkawala ni Sarah Geronimo na isa ring taklesa at komedyana.

Naibalita rati ng Megastar na gagawa siya ng pelikula kaya iisa ang tanong ng supporters niya, sino ang makakasama niya? Ito ba ‘yung si Aga Muhlach ang leading man niya?

Naku, ayaw ni Lea dahil matagal na rin siyang naghihintay kay Aga para sa gagawin din nilang pelikula sa Star Cinema.

Ikaw Ateng Maricris, sino ang pipiliin mo? (Kami rin matagal nang naghihintay kay Aga—ED)

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …