Tuesday , May 6 2025

Binatilyo tigbak sa kinalikot na sumpak

PATAY ang  isang binatilyo makaraan mabaril ang sarili sa harap ng kanyang kaibigan nang pumutok ang kinalikot niyang sumpak na kanilang natagpuan sa basurahan sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center si John Kenneth Natividad, 17, ng 10th Avenue, Grace Park, ng nasabing lungsod, sanhi ng tama ng bala sa dibdib.

Ayon kay acting Caloocan City Police chief, Supt. Ferdinand Del Rosario, dakong 5 p.m. nang mangyari ang insidente habang kasama ng biktima ang kanyang kaibigan na si Christopher Tulagan, 16, sa loob ng pampublikong palengke sa 10th Avenue, Brgy. 63.

Habang nagkukuwentohan ay umalis si Tulagan at nagtungo sa likod ng palengke upang umihi ngunit nakita ang isang sumpak sa tumpok ng basura kaya kinuha niya at ipinakita sa biktima.

Agad itong kinuha ni Natividad at kinalikot na lingid sa kaalaman ay may kargang bala hanggang makalabit at pumutok sa kanyang dibdib.

Mabilis na dinala ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay.

Masusing iimbestigasyon ng pulisya ang insidente upang matukoy kung sino ang may-ari ng naturang sumpak.

About Rommel Sales

Check Also

Jon Lucas Jan Enriquez

Management ni John Lucas pinababaklas pag-endoso kay Abalos

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA ang team sa likod ng career ng Kapuso actor na si Jon …

Chavit Singson e-jeep

Chavit Singson pinasinayaan pagbubukas ng e-Jeepney factory sa ‘Pinas

PINANGUNAHAN ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang pagpapasinaya sa matagal na niyang pangarap, ang …

Dead body, feet

Bangkay ng kelot nadiskubre habang nagsosoga ng baka

NADISKUBRE ng isang pastol ng baka ang bangkay ng isang lalaki na kanyang natagpuan bandang …

Arrest Shabu

Sa Bulacan  
3 adik na tulak arestado, drug den binuwag

NAARESTO ang tatlong tulak sa isang drug den  kabilang ang operator na nagresulta sa pagkakakompiska …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bulacan at Angeles City
DALAWANG MWP NAARESTO SA MAGKAHIWALAY PNP OPS

BILANG bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga pinaghahanap ng batas, dalawang most wanted …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *