Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kristine, ‘di makabalik sa Dos dahil ayaw ni Oyo

00 fact sheet reggeeMUKHANG wala ng pag-asang bumalik si Kristine Hermosa-Sotto sa ABS-CBN dahil sa GMA 7 na siya mapapanood.

Kuwento mismo sa amin ng taga-Dos na ilang beses nilang inalok ang dating aktres na magbalik-serye at binanggit din sa amin kung ano-ano ang mga ito pero hindi raw tinanggap at ikinatwiran daw nito na hindi niya kayang mawala ng mahabang oras dahil sa pamilya.

Kaya nagulat kami na tumanggap ng role si Kristine sa GMA 7 na produced ng MZet kasama ang asawang si Oyo Sotto.

Sabagay, produced naman kasi ito ng biyenan niyang si Vic Sotto bukod pa sa kasama niya ang asawa at sa madaling salita, hindi siya pressured magtrabaho sa taping at makauuwi pa ng maaga.

Marami namang followers ang mag-asawa na nagtatanong kung bakit sa GMA 7 muling mapapanood si Kristine bakit hindi na lang daw bumalik sa ABS-CBN na siyang nakadiskubre sa kanya at magpa-handle sa Star Magic?

Mukhang hindi nagustuhan ni Oyo ang mga pahayag ng netizens dahil sinagot niya na hindi pa man sila ikinakasal ng aktres ay wala ng kontrata sa Star Magic ang asawa.

Hmm, so totoo pala na si Oyo ang may ayaw na magbalik-serye sa Dos si Kristine?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …