Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael ayaw sa bading na nangdadaklot

00 fact sheet reggeeSA nakaraang presscon ng Pare, Mahal Mo Raw Ako ay natanong si Michael Pangilinan kung nakadaragdag ba sa pagkalalaki niya kapag nalamang may gusto sa kanya ang isang bading.

Ang paliwanag ni Michael, “ako minsan mahihiya ka na lang dahil pati ‘yung mga ganoon (bading) nagkakagusto sa ‘yo, eh, sino ba naman ako?  Alam n’yo naman ang gays para magustuhan ka ay may nakitang kakaiba sa ugali mo.

“Sa akin, nakatutuwa ‘yun, hindi lang sa mga babae, pati rin sa mundo ng LGBT, mayroon pa rin pala.”

Nakakadagdag ba ito sa pagiging macho ng isang lalaki? “Hindi sa gym, nadaragdagan (biro ng singer/aktor). Para sa akin, ‘yung macho-macho na ‘yan, bahala na sila kung anong isipin nila, pero masaya ako kasi pati sila nakuha ko ang market nila,” katwiran ni Michael.

Samantala, natanong si Michael kung ano ang reaksiyon niya sa mga bading na hinipuan siya.

“Sa Iloilo, gumanu’n talaga (nadakot), ‘yun ang ayokong bakla, pasalamat siya at hindi ko nahablot ‘yung kamay niya dahil kung nahablot ko, hindi ko alam kung anong magagawa ko.

“Ayoko kasi ng ganoon, malapit at mahal ko ang LGBT, pero once na binastos mo ako, para ka na ring nambastos ng kauri mo. Sabi ko nga, hindi na ‘yung gender ang pag-uusapan, ‘yung ugali mo na, kahit babae o lalaki ka pa, kung bastos ka, iba na ‘yung dating sa ‘yo.

“Kasi ang ayos-ayos ng pakikipag-usap sa kanila tapos, may ganuoon, talagang dakot talaga,”kuwento ng aktor na may muwestra pa.

Paano kung babae ang nangdakot sa pagkalalaki ni Michael? “Ay puwede ‘yun,” birong sabi ng singer/actor.

Samantala, sino ang mas nakatutulong, ang bading o babae sa karera ng isang artista?

“Depende kung sinong bading ang lalapitan mo,”natawang sagot ni Michael.

Sabay amin, “nag-away na kami rati ng manager ko (Jobert Sucaldito), sabi ko, may pribado akong buhay, hindi mo dapat pakialaman, pero hindi ganoon.  Proud ako na nag-away kami at may natutuhan ako, sabi ko nga, kay ‘Nay (Jobert), ‘dapat pala noon pa kita pinakinggan, hindi sana ako aabot roon sa sinabi mo na puwedeng mangyari na nangyari.

“Ang girlfriend naman o partner, hindi naman ‘yan makasisira depende sa sasamahan mo. Kung nakita ng manager mo na wala siyang ginagawang mali o hindi siya nangingialam kung anong mayroon ka sa buhay mo o sa trabaho mo, okay lang naman ‘yun, sabi ko nga, ‘nay (Jobert) kung magkaroon man ulit ako o anuman ang mangyari sa lovelife ko, hindi ko itatago sa ‘yo dahil wala naman kaming gagawing masama sa buhay ko na sabi ko nga, sana noon ko pa inintindi bago pa dumating sa nangyari sa buhay ko talaga.”

Ang sinasabing pagkakamali ni Michael ay ‘yung naging ama siya sa murang edad, pero hindi niya pinagsisihan dahil blessing ang pagdating ng anak niya.

Sa kabilang banda, mapapanood ang Pare, Mahal Mo Raw Akosa Hunyo 8 nationwide mula sa panulat at direksiyon ni Joven Tan na release naman ng Viva Films.

Bukod kina Michael at Edgar ay kasama rin si Ana Capri, Hopia at may special participation si Ms Nora Aunor.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …