Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
lotlot de leon nora aunor

Lotlot, sinagot ang hinaing ni Nora

SANA maayos agad ang tampo ni Nora Aunor sa kanyang mga anak dahil hindi pa raw nila nadadalaw ang kanyang kapatid na si Buboy Villamayor.

Inalagaan naman daw sila noong maliliit pa lalo na sina Lotlot at Ian De Leon.

Last year pa raw nasa ospital si Buboy pero ‘di pa nila nadalaw.

Bagamat natutuwa si La Aunor  na may natulungan si Ian na ibang tao pero buti pa raw ito kasi nga ‘di nila nadalalaw ang kanilang uncle.

So, waiting si Ate Guy na magkaroon ng time sina Lotlot, Ian, Matet, Kiko, at Kenneth.

May hinaing pa ang Superstar na si Matet lang ang madalas na dumalaw sa kanya at dinadala ang kanyang mga anak.

May post naman si Lotlot sa kanyang Facebook account pero hindi malinaw kung sagot niya ito sa hinaing  ni Ate Guy o para saang sitwasyon iyon?

“Nakakalungkot isipin na kahit gaano mo ipakita ang pagmamahal at malasakit sa mga taong mahalaga at importante sa atin na minsan ay hinde pa rin ito sapat para sa kanila… parang laging kulang pa rin.

“I wonder what does it really take for one to appreciate whatever it is na kaya mong ibigay?

“Ako kasi ‘yung klase ng tao na kung puwede ko ibigay lahat mapasaya at makatulong lang ako sa munting paran na abot ng aking makakaya para sa mga mahal ko, gagawin ko.

“Pero paano kung nasubukan mo na maibigay lahat.. At paano kung isang araw na-realize natin that it will never be enough for them? Paano na?”

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …