Friday , April 26 2024
Navotas

6,000 aplikante ng online seller’s pass, dedma kay Tiangco

NAKATENGGA sa opisina ni Mayor Toby Tiangco at hindi pinipirmahan ang mga application form na nag-a-apply para sa online seller’s pass, para makapag-deliver ng kanilang mga produkto sa Navotas City, habang nasa ilalim ang lungsod sa 14-days lockdown.

 

Ayon sa alkalde, nauunawaan niya  ang pangangailangan na makapaghanapbuhay ang mga nag-a-apply ng online seller’s pass para may pantustos  sa kanilang pamilya, ngunit dapat daw na ibalanse sa layuning limitahan ang galaw ng mga tao para maiwasan ang hawaan sa nakamamatay na sakit.

 

Ani Mayor Tiangco, sa mga taga-Navotas online seller at roon din sa lungsod magmumula ang idedeliber na produkto na may mga may DTI o business permit, laging  dalhin  ang original copy nito at ipakita sa mga nakabantay na pulis, upang hindi sila hulihin.

 

Sa bahagi ng mga walang  DTI at business permit , tiniyak ng alkalde na maitutuloy ang online selling, dahil may mga naka-assign na “Navohatid Delivery Riders” ng bawat barangay sa Navotas City, na siyang maghahatid ng produkto sa mga bahay-bahay.

 

“Makipag-coordinate lang sa mga barangay hall sa lugar na pagdedelibiran ng products at siguradong makararating iyon sa dapat pagdalhan,” ani Tiangco.

 

Ayon sa local chief executive, kung walang  sapat na dahilan  para lumabas, makabubuting manatili na lang sa loob ng bahay at huwag ng ilagay ang mga sarili sa panganib na mahuli  o mahawaan ng virus at madamay pa ang  pamilya.

 

“Layunin natin  ay mapababa ang kaso ng COVID-19 sa Navotas  para ang tao ay makapaghanapbuhay o makapag-aral nang  hindi matatakot na magkasakit. Hindi natin magagawa ito nang walang sakripisyo kaya humihingi ako ng pang-unawa at pakikiisa,” sabi ng alkalde.

 

Nagsimula ang lockdown sa Navotas City noong 16 Hulyo 2020 at magtatapos sa 29 Hulyo 2020. (JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder

Pabalik-balik na frozen shoulder inabsuwelto ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Una, magandang …

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *