Friday , March 20 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ani ng Laguna ANILAG Festival

ANILAG FESTIVAL LEVEL UP 2026

ni Roderick Palatino

LAGUNA — Pinasigla at nagbalik tanaw ang mga manonood sa kanilang kapanahunan noong dekada ‘80 at ‘90 na ipinakita ng mga Batang Laguna.

        Bahagi ito ng pagdiriwang ng Ani ng Laguna o ANILAG Festival Mula 16 Marso hanggang 22 Marso.

Dito ipinamalas ng mga kabataan ang Buhay 80s–90s sa isang makulay, masiglang enerhiyang kompetisyon.

Dinagsa ng mga manonood at pinag-alab ang salamisim at siglang kabataan sa “Batang Laguna: Tunog 80s to 90s na ginanap noong 18 Marso 2026 sa Festival Grounds ng Laguna Provincial Capitol.

Kahit sa kainitan ng panahon hindi natinag ang mga kalahok at manonood para sa isang makulay at masiglang selebrasyon ng musika, sayaw, at moda mula sa nakaraan.

Sa pasimula, pinangunahan ni Gobernadora Sol Aragones, kasama si Provincial Administrator Atty. Nathalie Irene Velasquez, ang mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, at ang Laguna Tourism, Culture, Arts, and Trade Office (LTCATO), katuwang ang mga tourism officer mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng lalawigan.

Dito ipinakita sa programa ang talento ng 12 kalahok mula sa iba’t ibang lokalidad. Bawat delegasyon ay naghatid ng kahanga-hangang pagtatanghal ng sayaw, suot ang makukulay na kasuotan, habang sumasabay sa mga tanyag na awitin ng 80s at 90s, na nagbigay nang masigla at malikhaing himig sa buong okasyon.

Sa huli masayang nagdiwang ang mga manonood at mga kalahok sa pagbabalik gunita ng iba’t ibang kapanahunan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Police line do not cross

Truck vs multicab, 2 todas

CAMP NAKAR, Lucena City — Dalawa ang patay at dalawang iba pa ang malubhang nasugatan …

Arrest Shabu

LGU official arestado sa P.1-M ilegal na droga

NADAKIP sa isinagawang joint anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) Camiguin Provincial Office …

Dead Road Accident

Sa Cavite
6 sasakyan inararo ng truck, 2 patay

KOMPIRMADONG patay ang dalawang biktima, habang tinitiyak pa ng pulisya kung ilan ang sugatan sa …

DMW Department of Migrant Workers Middle East

Airstrike sa Saudi ipinaskil sa socmed Pinoy inaresto 

ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang inaresto sa Saudi Arabia nang kanyang ipaskil sa social …

SM FTSFI Felicidad Sy Hall

Felicidad Sy Foundation Unveils Digital Transformation Center to Empower Future-Ready Learners

A new chapter in education and opportunity began with the unveiling of the Felicidad Sy …