Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PSC POC Pato Gregorio Bambol Tolentino
MASAYANG kinamayan ni PSC Chairman Patrick “Pato” Gregorio (kaliwa) si POC President Bambol Tolentino na itinalaga bilang pinuno ng Local Organizing Committee ng SEA Plus Youth Games, (PHILSEAP YGOC). (HENRY TALAN VARGAS)

POC inilunsad SEA Plus Youth Games

INILUNSAD ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, ang isang bagong palaro na inaasahang makikinabang hindi lamang ang mga atletang Filipino kundi maging ang mga kabataang atleta mula sa iba’t ibang bansa sa Asya sa ginanap na press conference nitong Lunes sa PSC Media Center sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC)  sa Malate, Maynila.

Tinawag itong SEA Plus Youth Games (SEA Plus YG), isang bagong multi-sport event sa rehiyon na lalahukan ng mga batang atleta mula sa 11 bansa sa Southeast Asia kasama ang 12 inimbitahang bansa mula sa Asya.

Ang Filipinas ang magsisilbing host ng kompetisyon na gaganapin mula 2 hanggang 14 Disyembre sa 2027 sa New Clark City, Subic, Maynila, at Tagaytay.

Itinalaga ni Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick “Pato” Gregorio bilang pinuno ng Local Organizing Committee ng SEA Plus Youth Games (PHILSEAP YGOC), para sa kauna-unahang edisyon ng palaro para sa mga atletang may edad 16 anyos pababa (U16).

Aabot sa 20 sports ang tampok sa SEA Plus Youth Games kabilang ang Athletics at Aquatics (mandatory sports), Triathlon, Judo, Boxing, Golf, Taekwondo, Skateboarding, Wrestling, Fencing, Basketball, Tennis at Gymnastics (Olympic sports); Jiu-jitsu, Billiards, MMA at Dancesport (non-Olympic sports); at Arnis bilang tradisyonal na isport.

Ayon kay Tolentino, layunin ng naturang palaro na mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga batang atleta upang magkaroon ng mas malawak na exposure habang pinaghahandaan ang mas malalaking kompetisyon sa rehiyon at sa buong mundo.

Ipinaliwanag niya, sa kasalukuyan, ang mga batang atleta ng bansa ay karaniwang nagmumula lamang sa mga kompetisyong tulad ng Palarong Pambansa at Batang Pinoy bago sumabak sa Asian Youth Games.

Aniya, magsisilbing tulay ang SEA Plus YG upang mas maihanda ang mga atleta bago sila lumahok sa mas mataas na antas ng kompetisyon.

Binigyang-diin ni Tolentino na magsisilbi itong mahalagang paghahanda para sa Asian Youth Games at sa kalaunan ay sa Youth Olympic Games. (POC/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Palawan ProtekTODO Fire 99

ProtekTODO Fire 99 inilunsad ng Palawan para sa pamilyang Pinoy

INILUNSAD ng Palawan ProtekTODO, ang microinsurance arm ng Palawan Group of Companies, sa pakikipagtambalan sa …

911 Emergency Call

Sa tawag sa E911: 
3 suspek sa pamamaril, dakip agad

BUNGA ng mabilisang pagresponde ng Quezon City Police District (QCPD) sa sumbong mula sa Emergency …

QCPD Quezon City

Mahigpit na batas vs “repeat offenders” isinusulong ng QCPD

DAHIL sa “repeat offenders” o paulit-ulit na gumagawa ng krimen ang kadalasang naaaresto at nakalalabas …

POLPHIL

Suspensiyon ng fuel excise tax hiniling sa pagtaas ng presyo ng langis

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang matibay nitong suporta sa panawagan ni …

National Taekwondo Center

National Taekwondo Center, itatayo sa dating bowling alley ng Rizal Memorial Sports Complex

NAGPAHAYAG ng patuloy na suporta ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Taekwondo Association (PTA) …