Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aksyon Agad Almar Danguilan

Ano ang tunay na layunin ng ‘Maleta soldiers’ exposé?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

HINDI  itinuturing na aksidente ang paglitaw ng 18 kataong nagpakilalang ex-Marines at si dating House Speaker Martin Romualdez ang itinuturong nasa likod ng pagpaplano at pagpondo sa naturang exposé.

Layunin nitong guluhin ang imbestigasyon sa flood control corruption na nag-uugnay kay Romualdez sa napakalaking kickback. Kapag nadadamay ang iba pang kilalang personalidad, nababawasan ang pokus sa kanya at nalilihis ang direksiyon ng paghahanap ng pananagutan mula sa mga pangunahing responsable.

Maraming nagduda sa kredibilidad ng ‘Maleta soldiers’ ngunit nagawa pa rin nitong magdulot ng kalitohan sa publiko at maghasik ng tanong kung tunay ngang naganap ang pinakamalaking pandarambong sa kasaysayan ng bansa.

Hanggang ngayon ay patuloy ang pagtanggi ng mga politikong pinangalanan sa testimonya ng 18 “ex-Marines” habang nananatiling tikom ang bibig ni Romualdez. Ipinapakita nito na nananatili siyang hindi direktang naaapektohan ng isyu.

Maging ang Department of Justice at Office of the Ombudsman ay nakatutok sa pagsusuri ng testimonya ng grupo kahit matagal nang kinukuwestiyon ang tibay ng salaysay.

Ang malinaw na hangarin ni Romualdez ay maiwasan ang pananagutan at ang posibilidad ng pagkakakulong. Nadamay rin sa naratibo ang kanyang mga kaalyado sa Senado na sina Senate President Tito Sotto at Senator Loren Legarda na tumulong sa pagdepensa sa kanya nang papalapit na sa kanya ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamunuan noon ni Senator Rodante Marcoleta.

Nagbago ang liderato ng Senado sa panahong halos maipit na si Romualdez sa imbestigasyon at pinaghinalaang siya rin ang nagmaniobra upang mailuklok si Sotto bilang Senate President.

Kung dati ay magkakasama, ngayon ay nagkakawatak-watak. Sa gitna ng matinding pagsubok nasusubok ang tunay na samahan. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

May mga tanong sa kredibilidad at identidad ng 18 ex-Marines

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA KASALUKUYANG pagdinig ng International Criminal Court (ICC) sa kasong kinakaharap …

Firing Line Robert Roque

Ang Panganib ng mga Landfill

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG tanging dahilan kung bakit tila hindi gaanong pinapansin …

PADAYON logo ni Teddy Brul

People Power revisited:
Ang kapangyarihan ng masa at dominasyon ng elitista

Ang mga larawan ay mula sa file photos ni Romeo Mariano. “KUMUSTA na, ayos pa …

YANIG ni Bong Ramos

Death penalty ibalik laban sa krimeng karumal-dumal at pandarambong sa bayan

YANIGni Bong Ramos TILA wala na yatang takot sa Diyos at sa batas ang mga …

Sipat Mat Vicencio

Pro-Sara senators ‘pipilayan’ ng Malacañang

SIPATni Mat Vicencio NGAYONG nagdeklara na si Vice President Sara Duterte na kakandidato siya sa …