Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jose Manalo Jerald Napoles Kim Molina

Jerald naging host ng Eat Bulaga!…sa panaginip

RATED R
ni Rommel Gonzales

DAHIL Wonderful Nightmare ang titulo ng upcoming film nina Kim Molina at Jerald Napoles, natanong sila kung may isang partikular na panaginip, maganda man o masama, na tumatak sa kanilang isipan?

Lahad ni Kim, “Ako anything na nightmare po ‘no? Good or bad? Wala, bad na ‘yung naaalala ko tuloy,” at tumawa si Kim.

Basta anything that connects with my family, especially with… nasa Saudi kasi sila eh, like my mom and my dad, nasa Saudi ngayon, eh.

“So, anything na masama na konektado sa kanila, ah hindi ko makakalimutan iyon. I would wake up crying all the time.”

Kakaiba naman ang kay Jerald.

Mayroon akong panaginip na medyo recurring lagi, lagi ko siyang napapanaginipan, bago pa po ako mag-artista.

“Na naging co-host daw ako, mainstay ng ‘Eat Bulaga!’

“So kaya ko siya naaalala kasi napapanaginipan ko na siya hindi pa ako artista.

“Nawiwirduhan din ako, bakit ako magho-shost ng ‘Eat Bulaga?’

“Tapos ngayon naging artista ako tapos my first management was APT Entertainment, so kaya hindi ko makakalimutan ‘yun.”

Naging producer ng Eat Bulaga! ang APT Entertainment ng mga Tuviera.

And my first variety show na nag-host ako, na mainstay, is also produced by APT Entertainment.”

Ito ay Sunday PinaSaya noong 2015.

Hindi man siya nakapag-host sa Eat Bulaga! ay naging guest naman siya roon ng ilang beses.

Pagpapakuwela pang hirit ni Jerald, “Kaso ano eh, masyado ng maraming guwapo roon. Kapag idinagdag pa ako, lalo na si Kuya Jose [Manalo].”

Mapapanood na sa mga sinehan sa February 25 ang Wonderful Nightmare mula sa Viva Films, sa direksiyon ni RC delos Reyes.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelika Santiago

Paggawa ng teleserye na-miss ni Angelika Santiago, mapapanood muli sa “Born to Shine”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NALAMAN namin ang ilan sa mga pinagkakaabalahan lately ng Kapuso …

Tony Labrusca Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Tony Labrusca, happy na makatrabaho sina Yuki Sonoda at Kelley Day sa “All About Her”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Tony Labrusca na masaya siya sa bago niyang …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …