I-FLEX
ni Jun Nardo
WALONG taon na ang nakalipas nang magsama sa una nilang pelikula sina Carlo Aquino at Bela Padilla na Meet Me in St. Gallen.
Nagbabalik ang dalawa sa Viva movie na A Special Memory na PH adaptation ng Japanese series na Pure Soul.
Kapwa mahusay na artista kaya naman ang director ng movie na si Jerry Lopez-Sineneng eh take one actors ang tawag kina Carlo at Bella.
Nagkakapaan nang muling magsama sina Carlo at Bella. Matapos ang catch up convo, nagamay nilang muli ang isa’t isa.
May kaugnayan ang Alzheimer’s disease sa kuwento. Pero ‘yung rare type raw . huh!
So here’s another mapanakit movie from Bela and this time with Carlo na isa ring magaling na aktor!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com