Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yeng Guiao
GINAWARAN ng President’s Award si coach Yeng Guiao sa annual PSA Awards Night sa Diamond Hotel Manila. (HENRY TALAN VARGAS)

Coach Yeng Guiao ginawaran ng President’s Award ng PSA

PINARANGALAN si Coach Yeng Guiao ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Awards Night sa Diamond Hotel sa pamamagitan ng President’s Award bilang pagkilala sa kanyang mahalagang tagumpay sa pagtatanggol ng pondo para sa pagpapaunlad ng palakasan sa bansa. Ang PSA Awards Night ay sa pangunguna ni President Francis Ochoa, mga officers na sina Nelson Beltran, Tito Talao, Gerry Ramos, at Dodo Catacutan kasama ang mga miyembro.

Matapos ang halos isang dekadang laban, nagbunga ang kanyang inisyatiba sa pamamagitan ng makasaysayang 15-0 desisyon ng Supreme Court of the Philippines na nag-aatas nang buong remittance ng nakalaang bahagi ng Philippine Sports Commission (PSC) mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), alinsunod sa Republic Act 6847.

Sinimulan ni Guiao ang hakbang na ito noong 2016 habang siya ay nagsisilbing kinatawan ng Unang Distrito ng Pampanga sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, katuwang ang kanyang abogado na si Atty. Jun Guzman. Ang nasabing desisyon ay magbibigay sa PSC nang buong limang porsiyento ng kabuuang kita ng PAGCOR at PCSO, retroaktibo, na inaasahang magreresulta sa bilyon-bilyong pisong karagdagang pondo para sa pambansang programa sa sports development.

Ang karagdagang pondong ito ay inaasahang magpapalakas sa grassroots programs, pagsasanay ng mga batang atleta, pagpapahusay ng coaching education, pagbili ng makabagong kagamitan, at pagbibigay ng wastong nutrisyon sa mga pambansang atleta.

Ang paggawad ng President’s Award kay Coach Guiao ay pagkilala sa kanyang hindi matatawarang ambag sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga atletang Filipino at sa pangmatagalang pag-unlad ng palakasan sa bansa.

Isinagawa ang PSA Awards Night sa suporta ng Philippine Olympic Committee, MILO, Cignal TV, Premier Volleyball League, Philippine Basketball Association, Akari, Rain or Shine Elasto Painters, Capital Solar Energy, at Acrocity. (PSA/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Manila Hawkers

Fire Prevention Month sa Fire Extinguisher Distribution

BILANG bahagi ng paggunita sa Fire Prevention Month, personal na namahagi ng mga fire extinguisher …

Palawan ProtekTODO Fire 99

ProtekTODO Fire 99 inilunsad ng Palawan para sa pamilyang Pinoy

INILUNSAD ng Palawan ProtekTODO, ang microinsurance arm ng Palawan Group of Companies, sa pakikipagtambalan sa …

911 Emergency Call

Sa tawag sa E911: 
3 suspek sa pamamaril, dakip agad

BUNGA ng mabilisang pagresponde ng Quezon City Police District (QCPD) sa sumbong mula sa Emergency …

QCPD Quezon City

Mahigpit na batas vs “repeat offenders” isinusulong ng QCPD

DAHIL sa “repeat offenders” o paulit-ulit na gumagawa ng krimen ang kadalasang naaaresto at nakalalabas …

POLPHIL

Suspensiyon ng fuel excise tax hiniling sa pagtaas ng presyo ng langis

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang matibay nitong suporta sa panawagan ni …