Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
2026 PLO WGAP Golf

2026 Philippine Ladies Open ng WGAP lalarga na

MULING daraan ang landas tungo sa kahusayan sa larangan ng golf sa Pilipinas sa maayos na mga fairway ng The Manila Golf & Country Club sa pagdaraos ng 2026 Philippine Ladies Open (PLO) mula Pebrero 24 hanggang 26, 2026, sa suporta ng Philippine Sports Commission.

Pinangungunahan ng Women’s Golf Association of the Philippines (WGAP) ang pag-oorganisa ng prestihiyosong taunang paligsahan na inaasahang lalahukan ng hanggang 100 sa pinakamahuhusay na amateur na manlalaro ng bansa, kasama ang mga natatanging kalahok mula sa ibayong dagat. Higit nitong pinagtitibay ang reputasyon ng torneo bilang pangunahing entablado para sa paghubog ng susunod na henerasyon ng mga kampeon.

Pinuri ni PSC Chairman Patrick Gregorio ang mahalagang ambag ng women’s golf sa bansa at binigyang-diin ang kakayahan nitong makatuklas ng mga kampeon sa pandaigdigang entablado.

Ayon kina Bianca Pagdanganan at Yuka Saso, napatutunayan na ang mga Pilipina ay may kakayahang makipagsabayan at magwagi laban sa pinakamahusay sa mundo. Binigyang-diin ni Gregorio na ang Philippine Ladies Open ang nagsisilbing simula ng ganitong mga matagumpay na mithiin.

Matagal nang kinikilala ang Philippine Ladies Open bilang tuntungan patungo sa pandaigdigang tagumpay. Nagwagi si Pagdanganan sa edisyon noong 2017 at naging double medalists sa Asian Games, at sa kasalukuyan ay kalahok sa LPGA Tour.

Samantala, si Saso, na naging kampeon nang magkasunod noong 2018 at 2019, ay naging dalawang ulit na kampeon ng U.S. Women’s Open at double gold medalits din sa Asian Games, na lalo pang nagpatibay sa kaniyang katayuan bilang isa sa mga nangungunang star ng Asya.

Nakibahagi rin sa torneo noong 2017 at 2018 si Atthaya Thitikul ng Thailand, na kilala bilang “Jeeno,” na kalaunan ay umangat bilang world No. 1.

Ipinahayag ni WGAP Secretary Greely R. Oposa na sa naturang paligsahan hinasa ng mga kampeon ang kanilang kakayahan at disiplina sa pakikipagtagisan sa mataas na antas ng kompetisyon.

Binigyang-diin din ni Gregorio na nananatiling maliwanag ang kinabukasan ng women’s golf sa patuloy na suporta sa mga programang pang-grassroots.

Naniniwala ang pamunuan na ang susunod na henerasyon ng mga Pilipinang manlalaro ng golf ay hindi lamang susunod sa yapak ng kanilang mga nauna kundi maaari pang higitan ang mga ito. Sa pamamagitan ng wastong pagsasanay, sapat na exposure, at mas maraming oportunidad, inaasahang mas marami pang Pilipina ang makatatayo sa pandaigdigang entablado at magbibigay ng karangalan sa bansa.

Bukod sa pangunahing torneo, pinalalawak pa ng WGAP ang saklaw ng mga programa nito sa 2026 sa pamamagitan ng tatlong mahahalagang kompetisyon na naglalayong higit pang patatagin ang hanay ng women’s golf sa bansa.

Mananatiling pangunahing paligsahan ang PLO, habang ang ika-30 Luzvimin Invitational ay idaraos sa hilagang bahagi ng bansa sa John Hay Golf Course sa Baguio City.

Mula Abril hanggang Oktubre, isasagawa ang anim na yugto ng WGAP Circuit at WGAP Cup na lalahukan ng mahigit 220 kababaihang manlalaro mula sa 15 kasaping golf club, na magtatapos sa isang mataas na antas ng match play competition.

Sa kasalukuyang bilang na 555 kasapi at patuloy pang nadaragdagan, nagpapatuloy ang WGAP sa pagsusulong ng paglinang ng talento mula sa grassroots hanggang sa antas-elite para sa mga kababaihang manlalaro ng golf sa buong bansa.

Malinaw ang layunin ng kanilang mga programa: linangin ang talento, palawakin ang karanasan sa kompetisyon, at magbukas ng mga landas tungo sa pandaigdigang tagumpay. (PSC ICE/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

National Taekwondo Center

National Taekwondo Center, itatayo sa dating bowling alley ng Rizal Memorial Sports Complex

NAGPAHAYAG ng patuloy na suporta ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Taekwondo Association (PTA) …

NCRAA Pato Gregorio Buddy Encarnado

DLSU-Dasmariñas, U-Luzon panalo sa pagbubukas ng NCRAA Season 32

DASMARIÑAS, CAVITE — MAGKASALO sa spotlight ang DLSU-Dasmariñas at University of Luzon matapos kapwa magwagi …

PSC BCDA John Hay Sports Center Baguio

PSC, BCDA nagtulungan upang gawing pangunahing sentro ng sports tourism ang John Hay sa Baguio

BAGUIO CITY — ISANG bagong yugto sa pag-unlad ng palakasan sa Pilipinas ang nagsimula sa …

Sam Kerr Football

Sa AFC Women’s Asian Cup
Matildas tinalo ang Filipinas sa goal ni Kerr

Burswood, Perth — ANG nagbabalik na star striker na si Sam Kerr ang umiskor ng …

Arbois Hallasgo Tokyo Marathon

Arbois, Hallasgo kumikig sa Tokyo Marathon; SEA Games record binura

MISTULANG patunay sa matikas na pagbabago ang pamosong Tokyo Marathon nang kapwa umukit ng gintong …