Tuesday , March 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeline Quinto Chad Kinis

Angeline itinanggi ilong ipinagawa

MA at PA
ni Rommel Placente

NILINAW ni Angeline Quinto na natural ang kanyang ilong at hindi siya nagpa-rhinoplasty, gaya ng sinasabi ng iba.

Sa interview sa singer-actress ng komedyanteng si Chad Kinis, sinabi niya na ang secret sa perfect niyang ilong sa kamera ay “magic” ng kanyang make-up artists.

Ngunit hindi ibig sabihin nito na walang enhancements si Angeline. 

Aniya, may mga procedure na siya na ginawa sa tulong ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo.

Mayroon, nagpa-lipo ako dati. Taong 2013 nagpa-lipo ako ng tiyan kasi kahit pumapayat ako parang naiiwan ‘yung tiyan ko. Ang hirap. Sa lalaki at babae, sinasabi ni Dra. Belo, kapag may tiyan ka, kahit everyday ka mag-gym, mahirap talaga siyang mawala compared dito sa arms diba,” kwento niya.

Bukod sa liposuction, nagpa-breast reduction si Angeline noong 2016 at nagpa-deep set eye surgery din dati. 

Hindi rin nakalimutan ang braces para sa kanyang ngipin, ayon kay Dra. Belo, para mas mapaganda ang kanyang smile.

Ngunit kahit maraming nag-aakala na nagpa-ilong siya, mariin itong itinanggi ni Angeline.

After niyong liposuction noong 2013, nagpa-breast reduction naman ako noong 2016. ‘Yun ‘yung mga ipinagawa ko. Maraming nagsasabi na nagpagawa ako ng ilong, tinanggap ko na lang. Pero hindi talaga ako nagpagawa ng nose,” paliwanag pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Archi Adamos

Archi Adamos sinuportahan pag-amin ng anak na LGBT member

RATED Rni Rommel Gonzales PASABOG ang pag-amin ng character actor na si Archi Adamos na may anak …

Cecille Bravo PAFTA

Ms. Cecille Bravo, ginawaran ng Social Impact Leadership Award sa PAFTA

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio TUMANGGAP si Ms. Cecille Bravo, Vice President for Finance and …

Ice Seguerra

“The Journey Comes Home: Ice Seguerra Live,” mamayang gabi na sa New Frontier Theatre

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NGAYONG Biyernes, February 27, ang acclaimed na singer-songwriter at actor …

V. Mapa HS 2026 Grand Alumni Homecoming and Blue Falcon Awards

2026 Grand Alumni Homecoming and Blue Falcon Awards matagumpay

MATABILni John Fontanilla MEMORABLE at engrande ang 2026 Grand Alumni Homecoming and Blue Falcon Awards ng V. Mapa High …

Alice Dixon

Alice ibinahagi sikreto ng pagiging mukhang bata 

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ni Alice Dixon ang kanyanv sikreto, kung bakit at the age of 56 …