MA at PA
ni Rommel Placente
MUNTIK madulas si Pia Wurtzbach Jauncey nang dumalo sa Paris Fashion Week kamakailan. Mahaba kasi ang kanyang suot na black gown.
Nangyari ang insidente sa Stephane Rollaind show sa Paris Fashion Week.
Trending naman ito at nag-viral si Pia nang ma-feature siya sa isang foreign magazine.
Pero mali ang report.
Ayon kasi sa foreign magazine, muntik nang madulas si Deborah Hung with matching image ng 2015 Ms. Universe.
In other words, na-wow mali ang report dahil napagkamalan si Pia bilang ang nasabing Mexican model.
Umani naman ng samo’tsaring reaksiyon ang naturang video mula sa mga katkatera at sawsawera.
Ito ang ilan sa kanilang komento.
Reaksiyon ng isa, “Hahaha.Na-wow mali ang foreign mag.Napagkamalan si Pia na si Deborah Hung.”
Komento naman ng isa, “At least, kahit muntik nang madulas, ‘di nawala ang poise niya.”
At ang sabi naman ng isa pa, “Kaloka, napagkamalan siyang Mexican model.”
“Halos magkamukha naman kasi sila,” sagot ng isa pang netizen.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com