TINATAYANG P3.9 milyong halaga ng mga tanim na marijuana ang binunot at sinira sa patuloy na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency – Cordillera (PDEA-CAR), National Bureau of Investigation (NBI) -CAR, PROCAR Benguet Provincial Police Office-PDEU, Benguet Highway Patrol Group, at Kibungan Municipal Police Station sa Sitio, Batangan, Tacadangan.
Ang operasyon ay naglantad ng apat na plantasyon na sumasaklaw sa 2,050 square meters lupain kung saan binunot ang halos 19,900 pirasong mga halaman ng marijuana alisunod sa mga tamang proseso ng pagkasira ng droga na hango sa halaman.
Walang naaresto sa panahon ng operasyon, gayonman sa isang aktibong pagsisiyasat ay patuloy na tinitiyak ang pagkakakilanlan ng may-ari ng lupa at ang mga responsable sa pagtatanim ng nasabing halaman. (ALEX MENDOZA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com