I-FLEX
ni Jun Nardo
PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na si Ricky del Rosario.
Naging bahagi ng Vicor at Viva Communications si Boss Ricky at naging musical director for films and TV.
Naglingkod din siya bilang konsehal ng Quezon City. Asawa siya ng award-winning writer na si Mel del Rosario.
Ngayon araw ang libing ni Boss Ricky matapos ang tatlong gabing burol sa Mt. Carmel Church sa QC.
Ang aming pakikiramay sa naiwan ni Boss Ricky.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com