Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jordan Andres Omar Uddin Lance Reblando

Jordan, Omar, at Lance lakas ng kanilang henerasyon sa teatro

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MAGAGALING lahat. Ito ang nasabi namin matapos magparinig ng kanya-kanyang awitin ang tatlong theeater artists ng Star Magic na sina Jordan Andres, Omar Uddin, at Lance Reblando.

Wala kang maitatapon sa kanila sa totoo lang, napakahuhusay. Yaman sila ng Star Magic.

Sa unang Spotlight presscon ng 2026, itinampok ang tatlo sa mga theater artist ng Star Magic na nagpapakita ng galing sa lokal na entablado.

Produkto ng Star Circle Batch 15, nakilala ng publiko si Jordan sa PBB Kumunity Season 10 Celebrity Edition. Mula noon, tuloy-tuloy ang kanyang pagbuo ng karera sa teatro.

Ilan sa kanyang mga naging produksiyon ay Ang Huling El Bimbo, Tabing Ilog: The Musical, Joseph the Dreamer, at Shrek The Musical.

Ngayong taon, naging bahagi siya ng Re-Orient: Narratives From Asian Voices (Play 1 -Stage Reading) at mapapanood sa  Chorus Line sa Marso.

“Papunta na ‘yung Manila to being the Broadway of Asia. I love that kasi ang daming performers na Pinoy all around the world that are trying to find, saan sila pwede to fit in with their talent. Here in Manila, you can stay here because the theater industry is growing and booming talaga,” bahagi ni Jordan na grateful maging parte ng lumalaking mundo ng teatro sa bansa.

Kasama rin sa roster ng Star Magic theater artists si Omar na patuloy na ipinakikita ang husay sa iba’t ibang produksiyon. Ilan sa kanyang mga naging proyekto ay Tabing llog The Musical, Bar Boys, Next to Normal, at Delia D.

Bahagi si Omar ng Quomodo Desolata Es? Isang Dalamhati na muling magtatanghal sa entablado sa January 30. Isa rin sa aabangan ang kanyang theater stint sa Spring Awakening sa Pebrero.

“Pag-empathize sa ibang tao, lalong-lalo na sa sarili mo kasi, personally ako, minsan kakalimutan ko na kung sino ako sa dami ng roles na ginagawa ko. I would try my best to ground myself and remember who I am, how I really am, and learn from it,” sabi naman ni Omar.

Isa rin sa itinampok sa Spotlight presscon si Lance. Ilan sa kanyang theater credits ang Tabing Ilog: The Musical, Rent, Mula sa Buwan, at Walang Aray: The Musical na siya ang kauna-unahang transwoman na gumanap bilang leading lady na si Julia. 

Bukod sa teatro, napanood din siya sa pelikulang Warla noong 2025 at naging cast din ng series na Love at First Spike.

Sa bawat role na ginagampanan ko, hindi mo matatanggal ‘yung lived experience ko as a trans woman. Kasi sobrang daming kinakaharap ng trans folks, lalo ng queer community, on a daily basis. So you get to see someone-me-play a role na off a trans experience,” ani Lance.

Naikuwento rin ni Lance na mag-audition siya sa musical adaptation ng The IdeaFirst Company, ang Die Beautiful na pinagbidahan sa pelikula ni Paolo Ballesteros.

Aniya, ipinagdarasal niya na makuha siya sa musical adaptation na ito na ang nais niyang makuhang karakter ay ang kay Paolo.

Anyway, tatlo sa mahuhusay na theater actor ng Star Magic sina Jordan, Omar, at Lance na makikita ang lakas ng kanilang henerasyon sa theater. Sila ang tunay na tatak Star Magic na may disiplina, may talento, at professionalism sa kanilang napiling larangan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Heart Ryan Zeke Polina Hell University

Kilig sa gitna ng karahasan: Heart Ryan at Zeke Polina ibinabandera bagong loveteam ng Viva

ni Allan Sancon OPISYAL nang inilunsad ng Viva ang bagong inaabangang serye, Hell University, na nagsisilbing launching project …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Shira Tweg Pilar Pilapil Gelli De Belen

Shira Tweg excited makatrabaho sina Pilar Pilapil at Gelli De Belen  

MATABILni John Fontanilla EXCITED na ang teen actress na si Shira Tweg na makatrabaho sa pelikula ang …